ELLA DE JESUS POV'S
Nandito kaming apat ni ysay, si migs at jia.
Nasa garden sila ni tita at tito Elmer may ka usap na bisita, siguro yun yung kaibigan ni Tito sa PNP.
Habang si rex naman nag CR.
"Ji, uuwi ba kayo ni migs?" Tanong ko.
Napatingin naman sila sakin.
"Ako hindi na siguro, Gusto ko man sana mag stay dito para samahan si jia, pero hindi pwede dahil may trabaho pa ako bukas." Sabi ni migs.
Tumango ako.
"Ikaw ysay?" Tanong ko.
"Mag st-stay ako ate." Ysay.
Tumango na lang ako.
Tapos balik na naman agad sa tahimik.
Mayamaya pa bumalik na si rex.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni ysay.
Kaya napatingin ako sa kakadating na rex intal.
Kumamot siya ng kilay niya.
"Naka salubong ko si beadel...." Sabi niya na parang hindi mapakali.
"Oh tapos? Nag ka usap kayo?" Tanong ulit ni ysay.
Kumamot ulit siya ng kilay niya.
"Oo, Pero nagtataka ako kasi parang medyo naka bihis siya tapos parang nagmamadali..."
Kumonot naman ang noo namin.
"Ha? Tinanong mo ba kung saan pupunta?" Tanong ni ysay ulit at tumayo na.
Tumango si rex sa kanya.
"Oo pero, parang ang weird ng kini-HOY MARASIGAN SAAN KA PUPUNTA?!"
Hindi na ni ysay pinatapos ang sinasabi ni rex at agad siya tumakbo pataas.
"Sana sinundan mo rex!!" Sigaw ni ysay.
Sumonod din kami sa kanya.
"Ano ba nangyayari rex?" Nagtatakang tanong ni jia.
Pagdating namin sa taas kumakatok si ysay pero walang binubuksan ni bae.
"Bro! Bro! Open the door! Bea! Bea! Open the door please...!" Sigaw ni ysay habang kumakatok.
Bigla na lang ako kinabahan.
"Ma-may duplicate sa baba rex.." Sabi ko.
Agad naman bumaba si rex.
"Ba-baka ano na... Nangyayari sa kanya sa loob ate ells..." Naiiyak na sabi ni jia.
Umiling ako.
"Hindi gagawin ni bea yan ji." Sabi ko.
"Wait lang baba lang ako..." Sabi ko at bumaba.
Habang palabas na ako sa living room papuntang garahe nila Bea nakasalubong ko sila tita at tito pati yung bisita nila.
"Ano yung kumakalabog sa taas Ella?" Nagtatakang tanong ni tita.
Bumuntong hininga muna ako.
"Tita ayaw buksan ni Bea yung pinto niya, tapos Sabi ni rex kanina mukhang hindi daw mapakali si bea nong naka sa lubong niya papuntang taas kanina." Paliwanag.
"What?! Elmer..." Naiiyak na sabi ni mommy Det.
"Ella can you check the garage kung nandoon yung sasakyan niya." Utos sakin ni Tito.