JHO POV'S
Agad kaming pumunta sa hospital na sinabi samin kung saan doon dinala ang asawa ko.
Pagdating namin agad namin tinanong sa nurse station kung saan dinala ang asawa ko, agad naman nila tinuro ang ICU.
Pagpasok namin agad namin nakita ang mga pulis.
Kaya lumapit kami.
"Sir....sniff....sniff...saan po ....sniff...ang asawa ko?" Naiiyak na tanong ko.
Inalalayan naman ako nila mama.
"Ikaw po ba si Misis De Leon?" Tanong ng pulis sakin.
Tumango ako.
"Sa ngayon po ina-asikaso na po siya ng doctor Misis, at Ito po pala ang gamit ng asawa niyo." Sabi ng pulis at binigay sakin ang mga cellphone at keys nang sasakyan at wallet ng asawa ko.
"Salamat po sir." Si papa na ang sumagot.
Napa upo na lang ako dahil nanlalambot na naman ang mga tuhod ko.
Kasalanan ko to eh!! Kong hindi dahil sakin hindi magyayari to sa asawa ko, kong hindi ko na lang sana siya ina-away sana ngayon hindi mangyayari sa kanya to.
"Anak. Tahan na..." Nag alalang Sabi ni mama at hinagod ang likod ko.
Nakita ko naman si papa kausap ang mga pulis.
"Kasalanan....sniff....sniff....kasalanan ko to.....sniff....ma eh!" Sabi ko at lalo pa akong naiyak.
Kong hinayaan ko na lang sana siya mag explain sana Wala kami dito sa hospital, Hindi Sana na aksidente ang asawa ko!.
Naramdaman ko na niyakap naman ako ni mama.
"Anak.. Hindi mo kasalanan, wag mo naman sisihin ang sarili mo anak dahil Hindi mo naman ginustong mangyari to." Sabi ni mama.
Umiling ako at humarap kay mama.
"Kung...Sana.... sniff.... Hindi ko...inaway...sniff...ang asawa ko... Hindi...Sana ....sniff...siya nandito ma! Kung.... Sana....sniff... Hindi....ako...sniff...ako nagpaka... selfish Sana Hindi mangyayari to!"
Halos hindi nako makahinga dahil sa iyak ko...
Tama naman eh... Ang selfish ko sarili kong asawa pinagduduhan at tinataboy ko! Ang sama sama kong asawa at Ina! Inuna ko lang ang sarili ko Hindi ko inisip ang nararamdaman ng asawa ko at mararamdaman ng mga anak namin!.
"Anak, Hindi magugustuhan nang asawa mo kung sisihin mo ang sarili mo! Hindi mo kasalanan anak dahil hindi mo naman hawak ang mangyayari. Anak please magpakatatag ka para sa anak mo at lalong Lalo na sa asawa mo." Naiiyak na Sabi ni mama at pinunasan ang luha ko.
Niyakap ko na lang si mama, dahil Tama siya kailangan ko magpakatatag para sa pamilya namin ni Beatriz.
Sabi ni mama tinawagan na daw nila sina mommy Det at daddy Elmer, at ngayon papunta na sila dito.
Sana lang hindi magagalit sakin sina daddy elmer sa nangyari sa anak nila.
Mayamaya pa ng mahismasmasan na ako biglang lumabas ang doctor.
Agad akong tumayo.
"Doc? Ako po si Jhoana De leon ako po ang asawa ng pasyente." Agad na Sabi ko.
Kinuha niya naman ang mask niya at humarap samin.
"Magiging straightforward na po ako sayo Misis, critical ang kalagayan ng asawa niyo ngayon dahil sobrang na damage ang ulo niya dahil sa accident na na involved niya., masyadong malakas ang impact na natamo niya sa ulo, Misis ilang ulit namin siya na revive buti na lang lumalaban ang asawa niyo, but im sorry hindi ko masasabi na okay na ang asawa niyo sa ngayon, mino monitor parin namin siya dahil hindi parin siya stable and I'm sorry to say this Misis De Leon but your husband is in Coma right." Sabi nang doctor.