JHO POV'S
"Ate....nandyan po sa baba 'yung mama ni kuya Abraham...gusto daw po Ikaw kausapin." Jaja.
"Bakit ja ano daw kailangan?" Takang tanong ko.
"Hindi ko po alam ate." Jaja
"Sige baba ako. Palitan mo muna ako dito."
Nagpapadede kasi ako sa baby sam namin. Baby bottle na ang gamit kong padede sa kanya dahil ilang beses na akong nakagat sa nipple 'yang anak ko.
"Mukhang galit pa ng dumating dito ate..." Jaja.
Napailing na lamang ako at agad na bumaba.
Si Beatriz pinapa-uwi ko na kahapon pero ang tigas ng ulo ayaw umalis dito. Gusto ko lang toroon ng leksyon kaya pinapa-uwi ko.
Nandyan siya sa baba kasama si papa. Nagpapakain sa manok.
Nang makababa na ako nakita kong nag-uusap si mama at ng nanay ni Abraham.
"Ma bakit po?" Tanong ko kay mama ng makalapit na ako sa kanila.
"Gusto ka daw kausapin." Bulong sakin ni mama.
Tumango ako.
"Magandang araw ho. Bakit po kayo naparito?" Magalang na tanong ko sa kanya.
Tumingin ito sakin na parang naiinis na iwan.
"Bakit naman ganon na lamang ang ginawa ng asawa mo sa anak ko Jho? Meron kayong pinagsamahan ng anak ko, naging girlfriend ka pa nito dati. Ba't hindi mo maawat 'yang asawa mo? Akala ko ba edukado at mayama ito." Mataray na sabi niya sakin.
"Pasensya na po kayo sa nagawa ng asawa ko....wag po kayong mag-alala dahil papanagotan naman po namin 'yung bills at gamot ni Abraham." Sabi ko dito.
Iwan ko bakit binabalik niya ang past namin ni Abraham. Ni hindi ko na nga maalala na naging kami pala ni abraham dati.
Magsasalita na sana ito pero napatigil siya at tumingin ito ng masama sa likoran ko.
Lumingon kami ni mama at ang asawa ko pala. Lumalakad papunta sa gawi namin.
At pawis na pawis.
"Iyan ba nanay ng Abraham love?" Bulong nito sakin ng makalapit ito samin.
Tumango ako at agad na pinonasan ang pawis niya.
"Mukhang tama nga 'yung sabi nila." Biglang sabi ng nanay ni Abraham habang taas baba itong tumingin sa asawa ko.
Napailing na lang ako. Parang chini-chismis pa yata ako nito sa mga kasama niya sa sugal.
"Osya. Ano ho ba kailangan niyo at naparito kayo?" Tanong ni mama.
Mukhang naiinis narin si mama sa ina-asta nitong nanay ni Abraham.
Tumingin siya sa asawa ko.
"Alam mo bang ginawa mo sa anak ko? Halos patayin mo na hindi ka na naawa!" Galit na sabi nito sa asawa ko.
Agad ako tumingin sa asawa ko at umiling ako sa kanya. Senyas na wag na siya pumatol at tumahimik na lamang.
Alam ko itong nanay ni abraham may binabalak to.
"Humihingi na nga ho kami ng tawad at papanagotan ang nangyari." Sabi ko dito.
"Ale eh osya sige pumunta ako dito dahil hindi ako papayag na ganon ganon na lang 'yun." Sabi nito.