JHO POV'S
Napatigil ako, kami ng biglang may pumutok mula sa likod........
Agad kami napalingon.
"Takbo jho! Takbo!!!" Sigaw ni Mitch habang patuloy kami pinapaputukan.
Yumuko kami habang binibilasan ang hakbang namin, tapos unti unti na tumakbo.
"Keep going no matter what! Wag kayo lilingon!" Sabi ni beatriz habang pumapalit ng putok kay Mitch.
Patuloy parin kami pinapaputukan ni Mitch hanggang sa makapasok na kami sa kakahoyan.
"Ahhhh...." Daing ko ng maramdaman kong may bagay na dumaplis sa binti ko.
"Mommy there's a blood on your legs.." Naiiyak na sabi ni kyle at tinuro ang hita ko.
Tumango ako at ngumiti.
Natamaan yata ako pero daplis lang Naman.
"Okay lang.... Daplis lang to baby..." Sabi ko.
"Natamaan ka?" Nag alalang tanong sakin ni Beatriz.
Tumigil kami kakalakad at nagtago sa may likod ng puno.
Lumuhod siya sakin at tinignan ang Tama ko.
"O-okay lang ako Beatriz, daplis lang naman, kailangan na natin umalis baka malapit na si Mitch satin." Sabi ko.
Napakunot ang noo ako ko ng ibigay niya sakin ang baril..
"Take this, umalis na kayo. ako maiiwan dito ilalayo ko si mitch sa in---"
"Hindi! sama-sama tayong aalis di--"
"Jho listen! Kailangan ko gawin to! Hindi tayo titigilan ni mitch hangga't sasama ako sa inyo....." Habang sinasabi niya yun nag cra-crack ang voice niya.
Bigla siya yinakap ni Kyle habang umiiyak pati ako umiiyak na din.
"No... Plesh... Don't.... Dada stay with us...plesh...." Umiiyak na sabi ni kyle.
"Beatriz sama-sama tayong aalis dito, wag mo naman kami iwan... Please...." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Napahilamos siya ng mukha at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.
"Jhoana! Can't you see? Ako ang kailangan ni Mitch para tumigil na siya kakahabol sa in----"
"Hindi mo rin ba nakikita Beatriz?! Mas kailangan ka namin sa sitwasyon natin ngayon! Hindi ko kaya na mag isa Beatriz!"
Binigay ko sa kanya ang baril.
"Tayo na, um---"
"Jho! Malapit na ako! Naririnig ko kayo! Hahahha!" Mitch.
Agad ni beatriz tinakpan ang bibig ni Kyle dahil sisigaw na sana siya dahil sa gulat.
"Shhhh.... Pagkasabi ko ng takbo, tumakbo agad kayo." Beatriz habang lumilingon siya.
"Mommy....."
"Shhhh..... Mag ru-run tayo ha? Dapat mabilis anak ha?" Naiiyak na sabi ko kay kyle.
Tumango siya sakin.
Sana naman hindi hihingalin si kyle, kanina pa kami takbo, lakad eh, mataba pa naman to.
"Mala---"
"RUN!!!!!!" Sigaw ni beatriz.
Kaya agad kami tumakbo habang patuloy silang dalawa ni Mitch nag papalitan ng putok.
Habang tumatakbo kami bigla na lang nadapa si kyle.