BEA POV'S
Habang nag dri-drive ako panay vibrate ng phone ko na nasa pocket ko.
Kaya't tinabi ko muna ang sasakyan para tignan iyun baka kasi asawa ko nag text.
Pag open ko puro text pala ni Laure sakin.
Hindi ko na lang binasa ang mga text niya kasi malapit naman na ko sa site.
Pagkadating ko nakita ko siya agad sa tent namin.
"J!" Tawag ko sa kanya.
Napatigil naman siya sa pagpo-phone niya at tumingin sakin.
"Oy! Tanghali na bakit ngayon ka lang dumating?" Tanong niya agad sakin at nagbeso kami.
"Wala manlang goodmorning?" Biro ko sa kanya.
"Anong goodmorning? Tanghali na po Mister! Kung hindi mo pa alam!" Sabi niya sakin.
Natawa naman ako.
"Sorry na,Na late kasi ako ng gising dahil kay sam sam namin." Sabi ko sa kanya.
"Ahhh... Bei congrats pala sa inyo jhoana para sa new born baby niyo." nakangiting sabi niya sakin.
"Thanks j" sabi ko sa kanya.
"Ang ganda ng baby niyo parang angel, alam mo talaga kung saan nagmana kundi sa nanay.. Malabong sayo nagmana eh." natatawang sabi niya.
"Baliw! Sakin kaya nagmana yun" natatawang sabi ko sa kanya.
"Pero seryoso na... Wala naman bang naging poblema dito J?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman, okay naman ang lahat dito." Sagot niya sakin.
Tumango tango ako bilang sagot.
Mamaya pa pinakilala ni Ej sakin yung engineer namin.
Pagkatapos ng meeting namin with Mister engineer. Nag out na kami ni Ej para mag lunch.
"Dito ka na lang sumabay sakin J para save sa gasoline mo sabay naman tayo kumain eh." Alok ko sa kanya.
"Sure ka? Baka magalit si jho nyan." Natatawang sabi niya sakin.
Umiling iling ako.
"Tara na." Sabi ko sa kanya.
Natatawa naman siyang sumakay sa shotgun seat.
"Sure ka talaga na walang magagalit ha?" Sabi niya sakin.
"Oo nga!" Sabi ko sa kanya.
Kulit nitong babaeng to.
Pagkadating namin sa restu nag order na agad kami dahil kanina hindi pala ako nag breakfast dahil nagmamadali ako kanina.
Habang naghihinatay kami ng order namin tinawagan ko muna ang asawa ko.
"Tawagan ko lang asawa ko J" sabi ko kay Ej.
Tumango naman ito habang naka tingin sa phone niya.
Dalawang ring at sinagot naman agad ng jhoana ko.
"Hello love?" Bungad ko sa kanya.
"Yes love, bakit ka napatawag?"
"Check ko lang kayo kung kumain na kayo dyan."
"Kakatapos lang namin kumain po. Ikaw ba kumain kana? Sino kasama mo kumain?"
Sunod sunod na tanong niya sakin natawa naman ako ng mahina.