JHO POV'S
Quarter to 1 na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog kasi sumasakit ang tyan ko...hindi naman gaano ka sakit kaya hindi ko na lang ginising ang asawa ko kasi feeling ko parang kaya ko naman.
Tatayo na sana ako sa kama namin parang may naramdaman akong may pumutok sakin.
Kaya ginising ko ang asawa ko dahil feeling ko pumutok na yung panubigan ko.
"Bea-beatriz! Beatriz!" Tawag ko sa kanya at niyugyog ko siya.
Gumalaw naman si beatriz siguro naramdaman niya ako.
"Beatriz! Dalhin mo na ako sa hospital! Pumutok na yung panubigan ko!" Sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang napatayo.
Parang wala manlang ako naramdamang sakit..ito siguro yung sinabi ni OB samin na malaking chance ko na ma CS ako (Cesarian)....jusko ayaw ko ma CS!! Wag naman sana!
Kasi ilang weeks na akong wala manlang naramdamang sakit at still mataas parin yung tyan ko..kahit tryny ko narin yung maglakad lakad every morning para daw bumaba si baby at sabi ni mama inum daw ako fresh egg para madulas pag labas ni baby at d gaanong kasakit.
"Wait!.....palit lang ako nang damit!" Sabi niya at dali daling nagbihis.
Pagkatapos niya magbihis bumaba na kami.
"ATE ELLS!" sigaw niya.
Nandito kasi natutulog si ate ells para may kasama si beatriz incase of emergency ko.
Bigla naman lumabas si ate ells at dala dala ang mga gamit ni baby na inimpake ko na last week pa.
"Jusko!! Tara na bei!" Sabi niya at naglakad palabas.
Wow siya pa talaga na una no?
"Pa ano si baste, beatriz? Iiwan natin siya dito?" Tanong ko kay beatriz habang palabas kami.
"Tatawagan ko na lang sila mom para puntahan dito si baste." Sagot niya.
Tumango tango ako.
Inalalayan niya ako papasok sa back seat,katabi ko si ate ells.
"Oy! Deleon tara na!" Sabi sa kanya ni ate ells.
"Teka! Natataranta ako sayo eh!!" Sabi niya.
Nasa labas pa kasi siya nang kotse namin...sino ba hinihintay niya?!.
"Beatriz sino ba hinihintay mo dyan ha?! Lalabas na tong anak mo oh!!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Wait lang! love si man----MANONG IKAW NA MUNA DITO HINTAYIN MO SILA MOMMY!" sigaw niya at pumasok na sa driver seat.
"OPO BOSS!" Sabi ni manong at siya nag bukas nang gate.
"Ingat boss,ma'am" sabi niya samin.
"Thanks manong,hintayin mo nalng dito si mom" sabi ni beatriz sakanya.
At umalis na kami.
Pagdating namin sa hospital dinala agad ako sa delivery room.
BEA POV'S
Pagdating namin sa hospital dinala agad ang asawa ko sa delivery room kung saan siya manganganak.
Sumama din ako sa loob kasi pwede naman sumama ang asawa at si ate ells namin nandoon sa labas tinatawagan sila Mommy at sila Mama sa batanggas.
"Doc bakit hindi niyo pa po sinisimulan" tanong ko kay doc dahil pabalik balik lang sila para i check si jhoana.
"Bea,hindi pa sumasakit ang tyan nang asawa mo" sagot sakin ni doc.