JHO POV'S
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong humihilab ang tyan ko, gutom ako pero ayaw naman kumain nang katawan ko, parang Hindi ko nararamdaman ang gutom ko dahil sa sakit nararamdaman nang puso ko.
Na-alala ko nahimatay pala ako kanina habang kausap ko si daddy Elmer.
Mas lalo tuloy ako naiyak dahil naisip ko na naman ang asawa ko.
Parang pinagsisihan ko na sinagot ko yung tawag ni daddy, Sana pala Hindi ko na sinagot Sana na lowbat na lang Yung cellphone ko!.
Pero you cannot change the fact na si Bea ay patay na.
Sina bunutan ko ang buhok ko.
Parang ngayon gusto ko na Lang umiyak nang umiyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko, pero siguro kahit anong iyak ko Hindi Ito mababawasan.
Ganito pala kasakit mawalan nang asawa...
Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.
Pagtingin ko sa yumayakap sakin Lalo akong napaiyak, ang baby boy ko pala..yinakap ko naman siya pabalik habang hinahimas ko ang pisnge nang anak ko, mukhang galing din sa iyak to.
Hindi ko mapigilan na hindi humagolgol sa iyak dahil inisip ko pa Lang na mag Isa akong palalakihin si Sam at Kyle parang Hindi ko yata kakayin kong hindi ko kasama ang Beatriz ko.
Agad akong tumayo at inayos si kyle nang higa dahil kawawa naman nang baby ko nangangalay na.
Kailangan ko nang bumalik sa hospital hinihintay na ako nang asawa ko.
Pero patay na siya....
Sa pangalawang pagkakataon nasabunotan ko ang sarili ko dahil sa naiisip ko.
Pero agad ko binaliwala yun at lumakad na papuntang hagdanan.
"Ate jho!" Masayang tawag sakin ni Jaja pero agad din naman nawala ang ngiti niya nang Makita niyang umiiyak ako.
"Saan ka po Pupunta? Kain ka mu---"
"Ban-bantayan mo muna ang mga anak ko ja, aalis Lang ako pupuntahan ko Lang si Beatriz sa hospital, tsak hinihintay niya na ako." Pilit kong Hindi umiyak pero kusa na lang lumalabas ang luha ko kapag binabanggit ko si Beatriz.
Linapitan niya naman ako at niyakap.
"Ate pahinga ka muna....tapos may sasabihin ako sayo..." Nakangiting Sabi niya.
Kumonot naman ang noo ko.
"Wag ngayon ja. Nagmamadali ako...paki bantay ang dalawa please." Sabi ko at pa akyat na Sana pero nagsalita ulit siya.
"Pero ate im---"
"Ja! Please....sniff...sniff... Wag ngayon." Naiiyak na pa sigaw ko sa kanya.
Yumuko siya at tumango.
"Janel...hayaan mo muna ang ate mo.", Sabi ni papa nang makalabas siya Sa kusina namin.
Umakyat na ako at tumungo sa kwarto ko.
At Doon lahat bumuhos ang lahat lahat nang luha ko at alaala namin nang asawa ko dito.
JAJA POV'S
Hays... Excited pa naman Sana ako sabihin na buhay si bayaw pero mukhang mamaya na Lang kapag tapos na si ate sa drama niya.
Kanina tumawag ulit si mama Sabi niya stable na si ate Bea Kaya ako naman excited na talaga sabihin Kay ate.
Pero napagalitan pa yata ako...huhuhu....