JHO POV'S
"Iha, siguro yung therapist na lang ni Beatriz yung papuntahin natin dito. Medyo mahihirapan talaga tayo pagkunbinsi sa kanya sa ngayon." Sabi ni mommy deth.
Tumango agad ako.
"O-okay sige po ma, pasensya na ho kayo Ma ha? Medyo tinutupak na naman kasi si Beatriz." Sabi ko.
Hinawakan ako ni mommy sa balikat habang nakatingin siya sakin na may ngiti.
"You know what iha? Me and your daddy Elmer is very thankful to have you in our daughter's life." Sabi ni mommy deth.
Tanging ngiti at tango na lamang ang nasagot ko, Kasi hanggang ngayon kahit ilang years na kami mag asawa ni Beatriz nahihiya parin ako kila mommy.
Siguro dahil ibang level yung antas ng pamumuhay namin sa pamilya ni Beatriz.
Tsaka nakaka insecure kasi yung kabaitan ng pamilya ng asawa ko sakin kaya minsan sobrang nahihiya talaga ako hahaha.
"Anyway, go upstairs na baka yung asawa mo is looking for you na." Sabi ni mommy.
"S-sure po kayo Ma? Nakakahiya po kung kayo pa magluluto ng lunch natin." Nahihiyang sabi ko.
Napatawa si mommy sakin at umiling.
"No iha, I'm okay here." Pag-aasure niya sakin.
Agad ako tumango at bumeso kay mommy bago umalis ng kitchen.
Dapat sa kwarto namin sa baba kami matutulog kagabi, actually sa baba naman talaga kami natutulog eh if kinabukasan may session si Beatriz.
Kagabi nagpupumilit si Beatriz na doon kami matutulog sa taas, wala na akong nagawa at hinayaan nalang para walang gulo.
Pagdating ko sa kwarto namin sa taas, nakita ko na nanood yung asawa ko ng movie tapos si samsam naman naglalaro sa tabi ng asawa ko.
Wala ngayon dito sa tabachoy dahil may pasok siya.
"Love, Sabi ng mommy mo yung therapist mo nalang daw pupunta dito. Kaya mamaya nila daddy Elmer ibaba ikaw." Sabi ko sa kanya.
Dahil maraming nagkalat na mga damit ng mga Bata at laroan, Isa-isa k itong pinulot at inayos.
"Can I just skip it? I'm not in the mood to do it." Sabi niya.
Napatigil ako at tumingin sa kanya nakakunot ang noo.
"Love hindi pwede tayo mag skip ng session mo." Seryosong sabi ko.
Napabuntong hininga siya at umiwas ng tingin sakin.
"Just cancel it today, re-sched nalang natin the next day. Okay naman siguro yun diba?" Sabi niya.
Umiling ako.
"Beatriz, hindi pwede kung ano yung schedule ng session mo hindi na pwede mag re-sched tayo dahil yun yung bilin ng doctor satin." Sabi ko ng makalapit na ako sa kanya.
"I'm tired doing it, Wala namang progress eh." Naiinis na sabi niya.
Ito na naman tayo.
"Hindi kasi agad lalabas yung result Beatriz, may process kasi lahat love. Tsaga lang muna kita sa ngayon." Sabi ko.
Tumingin siya sakin sandali at umiwas din habang umiiling siya.
"Ilang months na tayo nag t-theraphy pero Wala paring progress im tired na jho." Sabi niya.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan Ang kamay niya.
"Love be patient please. Naniniwala ako soon makakalad karin." Sabi ko.