39- Game 5(Half Dead)

3K 225 23
                                    

[Jeirahlyn's POV]

Nandito lang kami nila Charlyn nakaupo malapit sa pool kung saan ay naliligo ang mga makukulit naming kasamahan, maya maya'y may bigla kaming narinig ng tili ng isang babae, malakas ito kaya namab naisip ko na malapit lang sa amin yun, bigla namang umahon si Norianne sa pool at nilapitan niya kami

"Parang si Trinity yun ha, ano kayang nangyari doon? Tignan kaya natin baka may masamang nangyari sa kanya" Sabi sa amin ni Norianne, nagtinginan naman kami ni Charlyn at sumang ayon sa isa't isa, tinawag naman namin lahat ng mga kasamahan naming nasa pool

Naglakad na kaming lahat kung saan namin narinig ang tili ni Trinity daw, kung si Trinity man yun, saktong nasalubong naman namin sila Vanessa, Yeka at Daphnne parang pabalik na sila kung nasaan kami nakatambay kanina

"Oh kayo pala, anong ginagawa niyo? Bakit parang lahat naman kayo umalis doon?" Tanong sa amin ni Yeka

"May narinig kasi akong tili kanina, ewan ko kung saan nanggaling basta ang pagkakaalam ko lang ay malapit dito kasi malakas ang sigaw kanina, kayo ba? Narinig niyo ba?" Tanong ko sa kanila, nakita ko sa mga mukha nilang tatlo na parang wala silang kaalam alam

"Huh? Wala naman kaming narinig kanina ah? Baka siguro malayo lang kami kaya wala kaming narinig, edi tara para malaman natin kung ano nanaman ang nangyayari dito, curious lang ako di ako chismosa" Sabi naman ni Vanessa at nagumpisa na ulit kaming naglakad, nasalubong din namin sila kuya Yin at ate Carly na nakaupo sa bench at nag-uusap sila, tinanong din namin kung may narinig sila

"Wala naman kaming narinig, ano nanaman ba ang mga nangyayari dito? May namatay nanaman? Sino pa bang wala dito?" Tanong ni kuya Yin sa amin saktong nilibot naman naming lahat ang paningin namin at tinignan kung sino ang mga nawawalang kasamahan

"Sila Trinity, Athena, Nina, Kenneth at Rain po kuya" Sabi naman ni Daphnne

"Si Bon pa, di ko siya napansin" Dagdag naman ni Nicole, napakamot naman ng ulo si kuya Yin sa mga narinig

"O siya, tara na, sama sama nalang nating hanapin sila" Sabi naman ni ate Carly habang inaayos ang sintas ng sapatos niya, patuloy ang paglalakad namin, iniisip ko na bakit sila wala? Hindi kaya nasa kanila ang mga killers dito? Tanong ko naman sa isip ko at bigla nalang ulit kaming napatigil ng makita namin si Kenneth na lumabas ng banyo at bagong ligo, nilapitan naman siya ni kuya Yin at may binulong ito kay Kenneth, nakita ko naman na parang nagtataka din si Kenneth sa mga narinig niya kay kuya Yin, matapos nun ay bumalik ulit si kuya Yin at ipinagpatuloy namin ang paglalakad

Ilang saglit lang ay may mga nakita kaming taong nakatayo sa harap ng isang room, nilapitan namin ito para makita kung anong mga pangyayari ang nagaganap, nakita namin na sila Athena at Nina pala ang magkasamang iyon kasama na din nila sila Rain at Bon nilapitan ito ni kuya Yin at saka nagtanong kung anong nangyari

"Ano nanamang nangyari dito?" Tanong nito kay Rain, nakita ko sa itsura palang ni Rain na takot na takot na siya sa mga nakita niya

"Wa-la akong alam kuya, kaka-rating ko lang po-o" Sagot nito matapos nun ay sila Athena at Nina naman ang kaniyang tinanong

"Kuya, wala na po si Trinity, wala po kaming alam kung anong nangyari sa kanya, pero iniwan lang namin siya saglit at nadatnan na namin siyang patay sa room namin, hindi namin alam kung sino ang may gawa pero ang bilis niyang kumilos" Paliwanag ni Nina, ang napansin ko lang din kanila Athena at Nina ay parang hindi sila malungkot sa pagkamatay ni Trinity, hindi kaya nagsisinungaling lang sila at sila ang pumatay kay Trinity? Tanong ko sa isip ko

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon