12- Semi Finale

5.4K 245 17
                                    

[Bea's POV]

Nilapitan naming lahat si Eonne, kasi may parang nangyari sa kanya

"Guys ano nang nangyari?" Tanong agad ni ate Carly kanila Erika

"Binabangungot kasi si Eonne, buti nalang nagising ko agad siya" Sagot naman ni Erika

"Mabuti walang masamang nangyari sa kanya" Sagot nalang ni ate Carly

Lumapit ako kanila ate Erika at tinanong ko si Eonne kung anong napanaginipan niya

Habang papunta ako ay nakita ko siyang pawisan at umiinom nang tubig

"Eonne, ano namang napanaginipan mo?" Tanong ko, sabay hinga nang malalim si Eonne

"S-si kuya James" Sabi nito habang hingal na hingal parin

"Bakit si James? Anong meron sa kaniya?" Tanong naman ni Erika

"Siya ang killer, nakita ko sa panaginip ko, pinatay niya si ma'am Linda, matapos nun ako ang isinunod niya, buti nalang nagising niyo ako ate!" Sagot nito habang niyakap si Erika

Matapos nun ay umalis na ako kasi feeling ko out of space lang ako doon, kaya bumalik nalang ako kanila Katrina at Daylin

"Nakita mo ba kung nasaan na si ma'am Linda?" Tanong agad sa akin ni Katrina

"Hmm. ewan ko eh, diko siya napansin, siguro umiikot-ikot lang siya" Sagot ko nalang kasi talagang hindi ko alam

Patuloy lang ang pag-uusap nila Daylin at Katrina nang biglang nawalan nang ilaw

"Shit naman! Sa lahat ba naman nang oras ngayon pa nag black-out!" Reklamo ni Daylin

"Guys! Dito lang tayo sa iisang lugar, wag kayong hihiwalay para walang mapahamak" Pasigaw na sinabi ni ate Carly para marinig naming lahat

"Saan ba ang mga flashlights dito" Tanong naman ni Erika

Matapos sinabi ni ate Erika yun ay saktong may nakita akong flashlight na nakalagay nalang sa upuan na nasa harapan ko

Agad ko naman itong kinuha pero diko nalang pinaalam kay ate Erika

"Buti nalang tumigil na ang ulan" Sabi ni kuya Yang

"Oo nga, kundi mas delikado tayo" Sagot din ni kuya Yin

Saktong inilaw ko ang hawak kong flashlight ay bigla kong nakita ang likurang pintuan nang cafeteria, may parang nakita akong umuusok pero dahil sa dilim baka guni guni ko lang yun kaya hindi ko pinansin

Sa pagpapatuloy nang paglalakad ko ay bigla akong sinalubong bi Eonne sabay sabing

"Ate mag-iingat ka, feeling ko nagkakatotoo ang panaginip ko" At tatanungin ko sana kung anong ibig niyang sabihin pero umalis nalang ito bigla

Naglakad ulit ako hanggang masilayan ko na sila Katrina, Daylin at Anthon na nag-uusap habang nakaupo doon sa sofa

"Uy nice! Saan mo nakuha yang ilaw mo?" Tanong sa akin ni Daylin

"Napulot ko lang sa may upuan kanina, pakalat-kalat eh kaya kinuha ko nalang" Sagot ko naman

"Ay oo nga pala! Kumuha pala ako nang mga flashlights kanina sa bodega, ang tanga ko bakit ngayon ko lang naalala" Sabi naman ni Daylin at binalikan ang sako kung saan nila nilagay ang mga gamit

-----

[Daylin's POV]

Nang nahanap ko ang sako na dala namin kanina ay agad akong napangiti nang maluwag (:DDDD)

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon