34- Game On Resort

3.1K 220 3
                                    

[Charlyn's POV]

9 na nang gabi nang nadatnan na ako ng antok, naligo na rin ako para handa na lang akong bumangon at mag-ayos nalang bukas, excited talaga ako kasi ngayon nanaman ako makakaexperience ng ganito, at ayun nga nakatulog na ako

10 Pm

12 Am

3 Am

4 Am

4:50 Am

Nagising agad ako at tinignan ang orasan, nanlaki ang mga mata ko nang makitang 10 minutes nalang akong pwedeng maghanda, agad akong bumangon at mabilis na nag-ayos ng aking pananamit, buhok, nagtooth-brush na rin ako at saktong may kumatok sa pintuan ko, narinig ko ang mga boses nila Jeirahlyn at Vanessa na tinatawag na ako, sumagot naman ako ng 'Sandali lang' Sabay suot ng rubber shoes ko, at kinuha ko ang inimpike ko na bag atsaka tinungo ang pintuan, bumungad sa akin sila Jeirahlyn, Vanessa, Daphnne, Yeka, Christian at Kheo, sinabi nila na nauna na daw ang iba at hinihintay nalang nila ako

Matapos nun ay sabay-sabay kaming naglakad pababa hanggang sa makarating na kami sa harapan ng park, nagbukas muli ang malaking gate ng university at may pumasok na isang bus na kulay itim, nag-anunsiyong muli ang principal matapos mag-park ng bus sa harapan naming lahat

"Magandang umaga mga minamahal kong estudyante, alam niyo naman siguro kung bakit ko kayo pinagising ng maaga, kasi pupunta kayo sa isang resort na kayo-kayo lang ang nandoroon, wala kayong makakasamang teachers kaya kahit anong gawin niyo doon ay pwede, huwag lang lumabag sa ating school rules, sumakay na kayo isa-isa a para makaalis na kayo, mamimiss ko ulit kayo, sana hindi na kayo mawalan pa ng mga kaklase" Sabi sa amin ng principal kasabay ang malakas na tawa

Pagkatapos nitong nag-anunsiyo ay isa-isa na kaming pumasok sa itim na bus, gaya ito nang bus na sinakyan namin noong nagcamping pero mas malaki ito at mas malakas ang aircon kaya para akong nasa north pole, buti nalang pala at nakapagdala ako ng jacket, ngumito ako habang umupo ako, katabi ko si Jeirahlyn sa aking kinauupuan, umandar na ang bus at habang patagal ng patagal ay para bang walang epekto ang pagdala ko ng jacket, grabe! Sobrang lamig

"Sa mga nagbabiyahe ay pwede muna kayong matulog kasi matagal bago tayo makarating sa resort" Anunsiyo sa amin ng bus driver, nang marinig ko yun ay saktong patulog na rin ako, at sinabi ko sa sarili ko na yes mababawi ko na rin ang tulog ko, at ayun nga nakatulog ako ng mahimbing, ilang orad nga talaga kaming nagbiyahe, nagising ako at napatingin sa orasan, 10:45 na nang umaga, grabe ang sakit na ng puwet ko kakaupo

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay Jeirahlyn, bago niya sinagot ang tanong ko ay tumingin-tingin muna siya sa loob ng buong bus

"Oo, siguro mga isang oras pa o kaya dalawa" Nagtaka ako kung bakit alam niya kung ilang oras pa kaming babiyahe, gusto ko sanang tanungin sa kaniya pero inisip ko nalang na siguro nakapunta na siya sa resort na yun kaya alam niya, ilang minuto ang lumipas ay hindi na ako nakatulog, nag-anunsiyo naman ang bus driver na malapit na daw kaming makarating sa aming pupuntahan, sinabi ko naman sa bus driver na pahinaan niya ang mga aircon kasi para talaga akong naging yelo sa sobrang lamig

-----

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating narin kami sa aming destinasyon, hindi namin makita ang itsura ng resort sa bintana kasi may harang ang bintana ng bus, isa-isa kaming bumaba sa bus at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakalaking resort, grabe ang ganda nga talaga ng resort, nakababa na kaming lahat at agad namang umalis ang bus na sinakyan namin, nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid at nakita ko na kami lang talaga ang mga tao na nandoon, naisip ko nalang na magiging masaya ito

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon