03- Brace Yourself

8.5K 312 10
                                    

[Erika's POV]

"Ok class, bago tayo magsimula magpapakilala muna ako, ako si Ms. Linda Fernandez, at ako ang magbibigay ng exam niyo ngayon, ang masasabi ko nalang ay goodluck and godbless sa inyong lahat" Ma'am Linda

Isa isa nang binigay sa amin ang mga testpapers, sobra sobra na ang kaba ko, tinignan ko ang lahat ng mga kasama ko sa room, halos pare-parehas lang kami ng mga reaksyon

"Ok, you may now open your testpapers and you will answer that for 1 hour" Ma'am Linda

Binuksan ko ang testpaper at nanlaki ang mata ko kasi sobrang kakaiba ang mga tanong at sobrang hirap pero multiple choice ito, at binasa ko ang unang tanong (Ilang Kilobytes ang nasa 6743 Megabytes) Wow! Grabe ha, parang ang dali, feeling ko ako ang malalagot neto eh.

Matapos na ang 50 minuto na pagsasagot

"Ok, last 10 minutes!" Ma'am Linda

10 minutes nalang pero number 34 palang ako out of 50, kaya ang ginawa ko, wala na akong choice kundi a, b, c, d, d, c, b, a nalang hanggang sa matapos na ako, pero hindi ako sure sa mga sagot ko grabe ang hirao talaga, pero sana ligtas ako

"Okay! Times Up! Pass your papers" Ma'am Linda

Sabay sabay naming ipinaharap lahat ng mga testpapers

"Okay, bigyan niyo ako ng 10 minutes para i-check ang mga ito, mamaya maya ay malalaman niyo na kung sino ang highest at mga tatlong taong haharap sa mga challenges" Ma'am Linda

Patuloy akong kinakabahan, at yung iba naguusao usal na kung ano ang mga mangyayari, pero nilapitan ako ni Eonne

"Ate marami ka po bang nasagutan?" Tanong sa akin ni Eonne na parang takot na takot ito

"Marami din, pero karamihan di ko sigurado pero sinagutan ko nalang lahat kasi malay mo tama pa yung iba" Sagot ko rin kay Eonne

"Ay, ganun po ba ate, sige po goodluck nalang po sa atin" Eonne

"Okay back to your own seats everybody! Alam ko namang excited kayong lahat kung ano ang resulta, bale ang highest out of 50 ay .. 

 

.. 15" Ma'am Linda

Napanganga kaming lahat sa narinig, dahil 15 lang ang score ng highest, naku! Pano na kaya yung sa akin! At pinagpatuloy ni Ma'am ang paganunsiyo

"At ang score naman ng tatlong pinakamababa ay, dalawa ang nakakuha ng 0 at isa ang 2, kaya sasabihin ko na kung sino ang highest, ang nakakuha ng pinakamataas na score ay si.. 

 



 Eonne Sayaka, congratulations to you Eonne! Ligtas ka na at may advantage ka sa susunod na exam, automatic plus 5 points ang score mo sa next na exam, at ang mga pangalang babanggitin ko na susunod ay, ang mga pangalan ng haharap ng challenge.. 

 


Ang unang pangalan ay si, 


Alex Stone 

 


Pangalawa ay si.. 



Yvonne Rivera 

 

At ang panghuli ay si.. 



Nico Manzano 

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon