[Yin's POV]
IT'S NOT FUCKING OVER! Yan ang naisip ko nang makita ko ulit ang mga maraming estudyante, nang biglang may naganusiyo, malamang ang principal na ito
"May bago kayong nga kaklase! Congratulations to my Top Three! Palakpakan!!! Bago yan ay inanyayahan kong lumabas ang lahat ng estudyante sa loob ng building dahil irerenovate ang ating school! Enjoy your life!" Anunsiyo nito at matapos nun ay nagisip ako
Eto nanaman kami, marami na ulit kami, naghirap akong makaligtas pero wala lang ding napuntahan, nakakainis talaga akala ko kami na ang survivor! Yun pala marami nanamang nadagdag, wala na atang katapusan ang batch na ito ha! Yan ang sinabi ko habang lumabas na kami sa loob ng building
Hanggang ngayon di parin ako nahihimasmasan sa nga nangyari, balang araw magkakaroon din ng hustisya ang pagkamatay ng kambal ko, naglalakad kami palabas hanggang sa lahat ng estudyante ay nakalabas na
Tinulungan naman ni Carly na gamutin ang sugat sa hita ko, matapos nun ay umupo kaming tatlo sa may bench at nagpahinga, nagvolunteer din si Adhara na kunan kami nang maiinom sa cafeteria
7 na nang gabi, nang biglang naganunsiyo ang principal
"Bukas nang umaga, magpapakilala lahat ng mga estudyante, lalaki ang lahat ng magpapakilala sa umaga at babae naman sa tanghali, maliwanag!" At matapos nun ay hinawakan nalang ni Carly ang noo niya
Nakita ko na problemadong problemado talaga sila, kahit ako rin naman, sino ba naman kasing tao ang hindi maiinis lalo na pag alam mo nang kayo nalang ang survivors pero hindi pa pala, may madadagdag nanaman na estudyante
Sobrang stress na talaga ako, ayoko nang may magpatayan ulit, eto na siguro ang pinakafinal na students sa batch na ito, ilang minuto rin kaming nag-usap ni Carly hanggang nakita ko ang oras na 8 na papa ng gabi, ginabi na kami sa labas at saktong naganunsiyo ulit ang principal
"Calling all students, proceed to your prespective rooms, tapos na ang pagrerenovate, bilib kayo no?! Ang bilis talaga ng mga workers ko" Sabi nalang ni principal at saktong naglakad na kami pabalik sa kaniya-kaniya naming kwarto
Bago ako pumasok sa kwarto ay kinausap ako ni Carly, may tinanong ito tungkol dun dun sa kuneho niya, naiwan daw kasi niya sa cafeteria noon, hindi ko alam ang isasagot ko
"Wala akong alam eh, pasensiya, hayaan mo bukas tutulungan kitang hanapin yun promise" Yan ang sinabi ko at nagpaalam na siya
Pumasok naman ako sa kwarto ko, naisipan kong maligo muna, pumasok ako sa banyo para hugasaan ang duguan na mukha, hita, braso ko, matapos nun ay naligo na rin ako, gabi na pala, ang bilis na talaga ng araw
Natapos akong naligo ay tinignan ko ulit ang orasan, 8:32 na nang gabi, nahihirapan parin akong makapaglakad dahil sa sugat sa hita ko na hindi parin gumagaling
Sinubukan ko munang lumabas at tumambay sa upuan sa tapat ng room ko, wala man lang katao-taong nakakalat, kaya imbis na umupo ako ay nawalan na ako ng gana, pinuntahan ko nalang ang kwarto ng kakambal ko
Binuksan ko ang room niya at nakita ko na nakapatong ang mga gamit niya sa kama, kinuha ko ang bag na yun at binuksan ko, nakita ko ang mga damit niya, niyakap ko nalang nang mahigpit ang kaniyang bag naaalala ko talaga ang kakambal ko
Napaiyak nalang ako habang yakap ko ang gamit niya, napagisipan ko na kunin ang bag na yun at ilagay nalang sa kwarto ko, kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at dumiretso na sa kwarto ko
-----
[3rd Person's POV]
Isa-isa naring pumasok sa kani-kanilang kwarto ang mga bagong estudyante, hindi rin sila makapaniwala, gaya rin sila nang mga batch 1 at batch 2 na students na hindi rin makapaniwala kung anong klaseng unibersidad ang kanilang napasukan
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...
