05- Again, 2nd Class Exam and Torture

7.4K 293 8
                                    

[Chris's POV]

Time check, 4:56, ilang minuto nalang at maguumpisa na ulit ang class exam, patuloy akong nagaalala sa mga susunod mangyayari, iiniisip ko na baka si Thomas nanaman ang pumatay kanila Abegail at Julian, para maligtas ulit, pero sa tingin ko hindi na magagawa ni Thomas yun, alam kong pinagsisisihan niya na ang lahat ng mga ginawa, sa sobrang tagal kong nagiisip, tumunog na ang buzzer at naganunsiyo na ang principal

"Mga estudyante, punta na kayo sa detention room, maguumpisa na ang inyong class exam, at malalaman niyo na rin ang killer nila Abegail at Julian, double time, ngayon na" Principal

At agad-agad na rin akong sumunod, habang naglalakad ako nakasalubong ako nung dalawang kambal na si Yin at Yang

"O, Chris, papunta ka na rin ba sa detention room? Tara na, sabay-sabay nalang tayo nila Yang" Sabi ni Yin sa akin at ngumiti nalang ako

Habang patuloy parin ang paglalakad namin, nagkaroon kami ng kaunting conversation tungkol sa mga pangyayari

"Uy, kilala niyo na ba, o may hinala na ba kayo kung sini ang pumatay sa kanila Abegail at Julian?" Tanong ni Yang

"Ako wala pa, eh ikaw Chris baka may alam ka?" At napatingin si Yin sa akin

"Huh, ah wala, hindi kasi ako gaanong naiinform sa mga kasama natin dito" Sagot ko nalang

"Ah ganun ba, sige, di bale nalang, malalaman naman na din natin eh, haha pasensya na, excited lang ako" Yin

At nakarating na rin kami sa wakas sa haral ng detention room, andun na kaming lahat at nagtitipon tipon kami, bigla naring nagsalita ulit ang principal

"Alam niyo namang sigurong lahat na wala na sila Abegail at Julian diba? Ngayon, iaanunsiyo ko na kung sino ang killer nila at magkakaroon ng advantage na hindi makakapagexam dahil ligtas siya, ang killer ay si..

 





Nico,Nico Manzano

 


Ngayong kilala niyo na ang killer, makakapagumpisa na kayo, pumasok na kayo sa detention room at maiwan ka dito Nico" Principal

Hindi naming inaakalang lahat na magagawa ni Nico yun sa mga ate at kuya niya, mas matanda sila kesa lay Nico, pero walang awa lang na pinaslang nito ang dalawa, gusto niya lang kasing maligtas sa gaganaping school exam kaya niya nagawa yun, sana maging madali nalang sa amin ang haharapin naming school exam

Nang nakapwesto na kaming lahat, ay dumating na si Ma'am Linda

"Okay class!! Nagkita kita ulit tayo, ibibigay ko na sa inyo ang test papers para sa gaganaping 2nd school exam, galingan niyong mabuti at sana matataas ang score niyo"

At ipinasa na ni ma'am ang mga papel hanggang nakatanggap na kami ng tagiisang papel

"Okay! Isang oras ang inyong pagsasagot, goodluck sa inyong lahat" Ma'am Linda

Ang hirap grabe, pinagdadasal ko nalang na sana hindi ako sa isa sa mga mag chachallenge ngayon, ilang estudyante nalang ang natitira at habang patagal ng patagal, ay pakonti kami ng konti, natapos ang 30 minutes at konti nalang ang natitirang sasagutan, nadalian ako sa iba pero mas marami ang hindi ko sigurado, pero kuntento na ako kung ano man ang makuha ko, kahit ako na ang magchallenge, basta kakayanin ko ito kahit anong mangyari. At natapos na ang isang oras na pagsasagot at bigla din dumating si ma'am Linda para kunin ang mga testpapers

"Okay class, time's up! Kukunin ko na ang mga testpapers niyo, bigyan niyo ako ng 5 minuto sa pagchecheck nito" At inumpisahan nang i-check ni ma'am

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon