29- Zetsu Bo

3.5K 241 7
                                    

[Kheo's POV]

Nagising ako dahil sa kaingayan sa labas, nakita ko na mag-isa ko nalang na naiwan sa loob nhmg cabin, gulo-gulo pa ang buhok ko, bumangon na ako at nag-unat nang katawan, tinungo ko ang pintuan at binuksan ko ito, nang pagkalabas ko agad akong nakita ni Yeka

"Uy Kheo! Gising ka na pala! Tara punta tayo doon oh, kanila Jeirahlyn, nagpreprepare sila nang agahan, tignan natin baka sakaling may maitulong pa tayo" Anyaya sa akin ni Yeka, habang naglalakad kami ay may nakita akong isang poso na nadaanan namin, naisip ko na may poso naman pala eh, pwede naman siguro namin itong gamitin, hanggang sa nakita ko na naghugas ng paa sila Rain at Kenneth, so that means pwede ngang gamitin kasi safe siya

Hanggang sa nakarating na kami kung saan nakapwesto sila Jeirahlyn, nakita ko na kasama rin nila sila Ms. Salva, Charlyn, Lindy, Vanessa, Christian, Kuya Yin, Ate Carly at Adhara, nakita ko na may kaniya-kaniya silang ginagawa hanngang sa tinanong ni Yeka kay Ms. Salva kung may pwede pa kaming maitulong

"Wag niyo nang isipin yun, total patapos na rin kami sa mga ginagawa namin maghintay nalang kayo at mamaya'y kakain na ang lahat" Sagot ni Ms. Salva nang may halong ngiti, kaya ang ginawa nalang namin ay umupo nalang sa tabi, nakita ko na sira-sira na ang mga tents, sobrang lakas kasi ng ulan at hangin kagabi

Ilang minuto rin ang lumipas at naamoy na namin nila Yeka ang mga pagkain, hanggang sa nagtawag na sila Ms. Salva, nakita ko na merong sopas, pansit at champorado na nakahain na sa lamesahan, tinawag naman kami nila Vanessa sa kanilang inuupuan, lumapit naman kami at binigyan kami ng isang pinggan na may pansit

"Uy siguraduhin niyong wala nang halong tao to ha" Pagbibiro naman ni Christian sa lahat, sinipa naman ni Jeirahlyn yung paa ni Christian at napaaray naman si Christian sa ginawa ni Jeirahlyn, ang iba naman ay nagtatawanan nalang at nagumpisa nalang kumain

Ilang minuto ang nakalipas, natapos na rin kaming kumain sa wakas, ang iba naman naglakad lakad, may narinig pa akong nagsabing 'Ang sakit nang tiyan ko, nasobrahan ata ako' Natawa nalang ako nang marinig ko yun, 2nd day pala namin ngayon, bukas nang tanghali aalis na kami dito sa camp, maglalakad-lakad din sana kami nila Charlyn nang bigla kaming pinatawag ni Ms. Salva

Nagtipon-tipon naman kaming lahat na mga estudyante sa harapan ni Ms. Salva, nakita ko na parang ang lungkot ng mukha niya, siguro masamang balita ang sasabihin niya, o di kaya'y di na kami makakaalis dito? Hay ano ba yan, kung ano-ano ang naiisip ko, at nagsimula nang magsalita si Ms. Salva

"May masama akong balita sa inyo, galing ito sa principal, tinawagan daw niya lahat ng mga magulang niyo, at sinabi sa kanila na patay na daw kayong lahat, niloko nang principal ang nga magulang niyo" Nagulat kaming lahat sa balita na sinabi ni Ms. Salva at nagumpisa namang tumulo ang luha niya, paano nagawa ng principal sa amin ito? Pano na ang pamilya ko? Hindi na nila ako hahanapin, kakalimutan na nila ako, sineseryoso na talaga nang principal namin ang larong ito

Wala kaming magagawa, buhay namin ang nakasalalay sa larong ito, bakit ba kasi kailangang may mamatay para lang makagraduate sa school na ito, litong-lito na ako noong una pa, nagumpisa na ring magsialisan ang mga estudyante, umagang balita, nakakawalang gana

Ilang minuto muli ang nakalipas matapos naming malaman ang masamang balita na yun, bumalik nanaman sa dati ang pakikitungo namin sa bawat isa, may nga iba nagtatawanan na dahil sa mga pinaguusapan, may mga nakaupo lang sa taas ng puno, ako naman nakaupo lang dito sa hagdan paakyat sa cabin, pinapanood ko lang na naglalaro sila Charlyn at iba pa nang flying saucer

Nakita ko na nahati sila sa dalawang grupo, sila Charlyn, Vanessa at Jeirahlyn ang nasa kabila, habang nasa kabilang grupo naman ay sila Amber, Eve at Isha, sila Yeka at Daphnne naman ay sinamahan ako sa pagupo kasi napagod sila sa paglalaro, nagumpisa lang na hinagis ni Charlyn ang saucer sa kabilang grupo at agad naman itong nasalo ni Eve, hinagis pabalik ni Eve ang saucer pero napalakas ata ang paghagis niya kaya ang layo nang napuntahan ng saucer

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon