30- Dark Side

3.7K 255 8
                                    

[Lindy's POV]

Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari sa amin, oo namatay nga si Rochelle pero may sinabi pa siya na may mga kasabwat pa siya, hindi ko na talaga maintindihan, dumating naman si Ms. Salva peto nangyari na ang lahat bago pa naman siya dumating, kahit si Ms. Salva ay nagulat din sa nangyari, umiiyak na siya at napaluhod nalang

"St-udents, ihanda niyo na ang mga gamit niyo, bukas na bukas din ay aalis na tayo dito, hindi na natin tatapusin ang tatlong araw na camping natin" Yan lang ang sinabi ni Ms. Salva at umalis na nang umiiyak, ang iba naman ay umalis nadin na parang walang nangyari, habang kami naman ng mga kasamahan ko ay naiwan lang sa kinatatayuan namin

"Grabe talaga yung nangyari, atsaka ano daw? May kasabwat pa daw si Rochelle? Di ko ineexpect na si Rochelle pala ang gumagawa ng mga pagpatay, buti narin pala at nandito si Sakura" Pagkasabi ni Jeirahlyn ay inikot niya ang kaniyang paningin at hinanap si Sakura pero nawala lang ito na parang bula

Tanghali nanaman, pero ni isa ay walang kumilos para magluto, naalala ko ang sinabi ni Ms. Salva na bukas na bukas din ay aalis na kami dito, eh bakit pa kasi bukas pa hindi nalang ngayon baka mamaya magkaroon nanaman ng trahedya, sawang-sawa na ako, mula nang pinasukan ko ang university na ito ay parang nag-iba na ang takbo ng buhay ko, sanay na akong makakita nang mga bangkay, di gaya ng dati na halos di ko pa makita si lolo ko na nasa loob ng kabaong niya, patuloy lang ang pag-iisip ko nang bigla agad akong niyakap nila Vanessa at Yeka

"Aray" Sinabi ko nalang, nakita ko na abot tenga kaagad ang mga ngiti nang dalawa, kakatapos palang nang mga masasamang mangyari eh ang bilis nilang maka move-on

"Bawal na ang malungkot ngayon girl! Wag ka nang magdrama diyan, sanayin mo na ang sarili mo, ni ako nga hindi ko alam kung kelan ako tatagal dito eh" Sabi naman ni Vanessa habang pino-poke niya ako, napangiti naman ako ng kahit konti lang dahil sa sinabi ni Vanessa

"Excited na akong umalis dito, ngayon palang grabe, halos wala na tayong school activities, programs dahil sa mga nangyayari sa atin ngayon, at isa pa naalala ko nanaman, yung mga magulang la natin, I'm sure na nag-aalala sila sa atin, oo nga pala bakit pa sila mag-aalala eh ang alam nila ay patay na tayo" Yan ang sinabi ni Yeka habang nakasimangot

Lumipas ang isang oras, nakita ko ang orasan, 1:13 na nang tanghali, wala na talagang naghanda nang pananghalian, gutom na gutom na rin ako, andito kami ngayon nila Yeka at Vanessa sa loob ng cabin, nakahiga lang ako pilit na nilalabanan ang gutom nang biglang tumunog ang sikmura ko at yun ang sanhi kung bakit nakuha ang atensiyon nila Vanessa at Yeka, tumawa nalang silang dalawa at may nakita ako na kinakalkal ni Vanessa sa kaniyang bag, nakita ko na naglabas siya ng isang piraso ng brownies

"Oh eto, gutom ka na pala eh, kung nagsabi ka pa kanina edi sana nabigyan agad kita, haha, o siya, kainin mo na yan" Sabi nito sa akin habang inabot ang brownies ng nakangiti, kinuha ko naman ito, nahihiya pa nga akong buksan eh pero sa sitwasyon ko ngayon wala na munang hiya-hiya, pasalamat nga ako kasi may nagbigay pa sa akin ng pagkain, ilang minuto rin ang nakalipas bago ko maubos ang brownies na binigay ni Vanessa, tinawag ko naman siya at nagpasalamat, ano ka ba Lindy nakalimutan mo pang magpasalamat kaninang kabibigay hay nako yan ang sinabi ko sa isip ko

Ilang minuto ulit ang nakalipas wala na akong nakikitang kaklase ko na tahimik, lahat na sila ay bumalik na sa dati, siguro nakalimutan narin nila ang mga nangyari kanila Rochelle at Isha, ako naman di pa rin gaanong makamove-on kasi dun sa sinabi ni Rochelle, sino kaya ang kasabwat pa niya dito? Ang galing din niyang magtago

3 na nang hapon, naguumpisa na ring maghanda ng mga makakain sila Ms. Salva at ang iba pa, nang biglang tumayo si Ms. Salva at nakita ko na nagpaalam siya kanila Charlyn, may pupuntahan yata saglit si Ms. Salva, kaya lumapit nalang ako kanila Charlyn para tulungan din sila sa mga ginagawa nila, pumayag naman sila kaya naman ako ang inassign sa paghati ng mga patatas at carrots

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon