43- Eat Or Die

1K 200 4
                                        

[Carly's POV]

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. Wala akong makita dahil wala talagang kailaw-ilaw. Naramdaman ko na ang sakit nang kamay ko at may parang nakatali ang katawan ko sa inuupan ko kasi hindi ako makagalaw. Hanggang sa nagkaroon na nang ilaw at nakita ko na nakaupo kaming lahat na magkaklase at nasa kusina kami dahal nasa harapan namin ang malaking lamesa at nakitang kong katapat ko si Yin na wala paring malay



May mga pinggan na nakapatong sa harapan namin, hindi parin talaga ako makagalaw. Ganun din ang nangyari sa iba, nakatali din sila at nagulat ako na barbed wire pala ang nakalagay sa nga kamay namin



"Ano to? Asan tayo?" Narinig kong tanong ni Kheo dahil kakagising lang niya. Isa-isa na ding nagising ang mga kaklase ko at bakas sa mga mukha nila ang takot



"Kung papakainin nila tayo, bakit ganito ba ang itsura natin?" Kabadong tanong naman ni Vanessa habang nakayuko at umiiyak



Ilang saglit lang ay biglang umingay ang buong kusina dahil sa nagising na ang lahat. Ako naman ay nananatiling nakatulala habang pinagmamasdan ang mukha na Yin na para bang gusto nang sumuko



"Magsitigil kayo!" May narinig kaming boses at bigla kaming nakuryente nang saglitan sa aming inuupuan dahilan para tumigil ang iba kaya nagkaroon nang katahimikan. Pagkatingin ko kung sino ang nagsalita nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan "Si Yang?!" Tanong ko sa aking sarili



"Hindi, hindi ka totoo! Patay ka na diba?!" Gulat na sabi nang kanyang kakambal na si Yin, pero hindi umiimik ang kakambal niyang si Yang



"Magandang umaga mga mahal kong estudyante! Kung napapansin niyo, nandito ang kakambal ni Yin na si Yang, pero akala niyo lang yun. Oo, patay na talaga ang totoong Yang" Narinig namin sa isang speaker na nagsalita ang principal



"Eh ano siya?!" Pagalit na pagtanong ni Yin habang umiiyak



"Isa lamang yang hologram. Oo, pero kaya niyang kontrolin ang mga machines na nandiyan sa loob nang kusina ng school. Huwag kayong matakot, maglalaro lang tayo nang saglitan. Gagawin ko lang kayong sampu, hindi na kasi ako makapaghintay na sabihin sa inyo ang sorpresa ko" Sabi naman ng principal at tumawa nang malakas

"Kung ganun may mamamatay nanaman?!" Pagtanong naman ni Sakura



"Tama ka diyan. Matutulog lang ako, enjoy the meal!" Narinig naming pagpapaalam nang principal, nagtaka naman ako sa enjoy your meal na sinabi niya. Nararamdaman ko na hindi maganda ang mangyayari



Maya-maya'y may lumabas na katulong sa isang pintuan at may dala-dalang isang malaking kaldero. Isa-isa kaming binigyan nang katulong at halos mailuwa ko na ang bituka ko nang makita ko kung ano nilagay nito



Isang kuko nang tao ang nailagay sa pinggan ko at duguan pa ito. Nakita ko ang nilagay sa pinggan ni Yin at halos manlambot ang mga buto ko nang makita kong kalahati nang tenga nang isang tao. Napaiyak nalang ako, may iba't-ibang laman pa nang tao sa iba naming kasamahan



Merong daliri ng kamay at paa, may atay, mata, dila, pira-pirasong puso, utak, bituka at marami pa. Sumakit nalang ang ulo ko sa mga nakita, at naamoy pa namin ang masangsang na amoy



"Ano to?! Hindi namin kayang kainin 'to! Nag-iisip ba kayo?!" Pasigaw na sinabi ni Jeirahlyn



"Hindi! Hindi pwede, hindi ako kakain nang mga 'to" Narinig ko ring reklamo ni Vanessa habang patuloy ang pag-iyak



School 26 UniversityMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon