[Yin's POV]
Wala na si Jainee, maguumpisa nanaman ang pagpatay isa-isa sa amin, yan lang ang nasabi ko sa isip ko habang pinapanood ang mga nangyari kay Jainee
"Ok! The show's over! Go to your rooms and sleep well because tomorrow, we have a brand new challenge" Inanunsiyo ni ma'am Maila at bigla na siyang umalis sa loob ng gym
Di man kami makapaniwala sa mga nangyari, sinunod nalang namin ang gusto ng teacher namin, lumabas kaming lahat sa gym, kasabay ko ang kakambal ko na si Yang as always, lagi lagi naman kaming magkasama
Bukas na pala babalik ang principal namin, ano ba yan mas madugo nanaman ang magiging buhay namin dito sa loob nang eskwelahan
"Kakain pa ba tayo ng gabihan Yin?" Tanong sa akin bigla ni Yang
"Wala akong gana at sa tingin mo naman may makakakain na maayos matapos nilang makita ang pagpatay kay Jainee?" Sagot ko din sa kaniya
"Naalala ko lang pala, dalawa nalang tayo ang lalaki dito, mahirap na, sana magdagdag ulit sila ng bagong estudyante, lalaki din parang ang awkward kasi" Sabi ni Yang
"Tsk! Para lang tayong nasa university ng mga babae" Sabi ko din sabay tawa
Habang naglalakad kami pabalik nang aming rooms ay biglang nakasalubong namin sila Bea, Katrina at Daylin
"Survivor tayo since day one! Di na tayo pwedeng matalo pa" Yan ang narinig ko na pinaguusapan nila nang masalubong namin sila
Nagtaka nalang ako bigla pero habang tumatagal di ko na rin sila pinansin, masyado pa siguro silang bata, sila nalang kasi ang mga natitirang pinakabata na estudyante dito
Nang biglang naalala ko si Eonne nang mabanggit ko ang salitang pinakabata, kawawa yung batang yun, sayang naman namatay na siya, nag-aalala kaya ang magulang niya? O di kaya'y alam na ng magulang niya na wala na siya
Para lang akong baliw kasi kanina pa ako nagsasalitang mag-isa hanggang sa makarating na kami sa aming mga kwarto
Agad akong namagnet nang aking higaan, di ko pa natatanggal ang aking sapatos pero humiga na agad ako
Gusto ko na sanang matulog pero nang mapatingin ako sa orasan ay nakita ko na 8:03 palang nang gabi, masyado pang maaga para matulog
Bumangon ulit ako at kinalkal ang loob ng bag ko, naisipan kong maligo kaya naglabas ako ng damit, underwear at shorts, feeling ko kasi ang lagkit ng katawan ko kaya maliligo muna ako
-----
Matapos ang 20 minutes sa banyo ay lumabas na ako, bagong ligo, nararamdaman ko rin na parang ang haba na ng buhok ko, kaso hindi ko pa maipapagupit kasi kailangan ko munang maligtas rito
Pinupunasan ko palang ang ulo at mukha ko ng biglang may narinig akong sigaw at putok ng baril
Kinabahan ako sa narinig kaya nagmadali akong nagbihis, gusto ko sanang tignan sa labas kung ano ang nangyayari pero nang nakatapat na ako sa pintuan, imbis na buksan ko ito ay dumapa ako at sinilip ko sa ilalim
May naririnig akong yapak na papalapit, patuloy parin ang pagsilip ko hanggang tumapat na sa pintuan ko ang mga paa ng naglalakad, nilagpasan nito ang kwarto ko pero nagulat ako ng saktong dumaan ito ay may biglang nakita akong tumulo na dugo at yun ang nakita ko sa sahig
Kinabahan talaga ako, kaya di ko nalang tinangkang buksan ang pintuan kasi nararamdaman ko na mas ligtas ako dito sa loob ng kwarto ko
-----
[Killer's POV]
"Sa tingin ko pwedeng ito na ang pangpatay ko" Sabi ko sa sarili ko habang hawak ang isang baril at kutsilyo
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...
