[Carly's POV]
Binuhat nila akong dalawa hanggang sa makarating na ulit ako sa detention room, sugat sugat na ang braso ko nang makaakyat ako, wala na rin akong oras para maginarte pa
Nakakita ako ng malaking kurtina na nakasabit sa isa pang bintana, agad ko itong kinuha at hinulog ko ang kalahating parte ng kurtina
Umabot naman sa baba ang kurtina, naunang umakyat si Yin, nahirapan ako sa paghila sa kaniya kasi nagiisa lang ako, hanggang sa makarating narin siya sa itaas
Sumunod si Yang at nagtulungan kami na hatakin ang kurtina, isa-isa na naming naitaas ang mga kasamahan namin maliban nalang kay Katrina na siya ang pinakahuli sa baba
Inabot ko sa kaniya ang kurtina, nagsisigawan sila Adhara at Bea kasi malapit na ang killer, hinablot naman bigla ni Katrina ang kurtina at agad din na umakyat
May naririnig akong parang may napupunit, pagkatingin ko sa kurtina, malapit na itong mapunit, kaya binilisan nalang namin ang paghatak kay Katrina
Naabutan na ng killer si Katrina, may hawak na itong espada, agad niyang natamaan ang kaliwang binti ni Katrina, napasigaw sa sakit si Katrina, hanggang sa nakita ko nalang na naputol ang kurtina
Nakita ko kung pano nalaglag si Katrina ng nakahiga, hanggang sa biglang sa bumagsak siya ay may tumagos na espada sa tiyan niya, halos lumabas na ang bituka ni Kat dahil pinatayo ng killer ang espada sa may buhangin kaya saktong naitusok kay Kat ang espada
Iyak ng iyak si Bea dahil namatay na si Kat, nagmadali nalang kami sa pagtakbo at agad pumunta sa library, naalala ko na andun ang principal's office at ang cctv room, takbo nalang kami ng takbo kahit sobrang pagod na kami
Nakarating na kami sa library, nadatnan naming sira ang pintuan ng library
"Guys paano na yan? Sira ang pinto, tiyak hindi tayo ligtas rito" Sabi sa amin ni Yang
"Hindi, pupunta tayo sa secret passage dito, Yin tanggalin mo yang panguna hanggang pangatlong libro diyan sa unang bookshelf" Utos ko sa kaniya, at agad naman nitong sinundan
Matapos niyang matanggal ang nga libro na yun ay agad nang umusog ang bookshelf na yun hanggang sa nakita naming lahat na may hagdan pababa, isa-isa kaming bumaba sa hagdan na yun
Matapos naming makababa agad ay tinungo ko ang principals office, nakita ko sa lamesahan niya ang isang remote, hindi ko gaanong alam icontrol pero pinindot ko nalang yung green na button
Agad namang umandar ang bookshelf pabalik, kaya ang nangyari, nasarahan na kami sa loob, mabuti na yun at hindi malalaman ng salarin kung saan kami nagtago
Gaya ng dati, nangalkal ulit ako ng mga papeles ng principal, halos naka 30 minutes ako sa kakahanap pero wala talaga akong nahanap
Ang bilis talaga ng oras, hapon nanaman 5 na, magdidilim nanaman agad, hindi pa kami nakakakain mula kaninang umaga, lumabas ako sa principals office, pero naiwan sa loob si Adhara, Yin at Yang
Hinahanap ko si Bea, naalala ko na baka nasa loob siya ng cctv room, dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nanlaki ang mga mata ko sa nakita na nakatalikod si Bea habang pinapanood ang mga tv at may hawak itong kutsilyo
Nang lumingon siya sa akin ay agad niya akong inatake, napahiga ako bigla at dinaganan niya ako, hindi ako makagalaw dahil sa lakas ng pagtulak niya sa akin, ang sakit ng ulo ko kasi tumama pa sa sahig
"Bea! Ano bang nangyayari sayo!" Tanong ko sa kaniya
"Ate, wala na rin akong pake kung sino na ang mamamatay o makakaligtas sa atin dito, patay na ang mga kaibigan ko, kaya mabuti pa na patayin ko na rin kayo kasi wala na rin akong silbi pag wala na rin ang mga kaibigan ko" Sigaw na sinabi nito sa akin at agad tinusok nito ang kutsilyo pero nakaiwas ako
![](https://img.wattpad.com/cover/21477266-288-k133344.jpg)
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...