40- Game 6(No Escape)

2.1K 211 23
                                    

[Jeane's POV]

"Tara na! Kumain lang kayo, huwag kayong mahiya marami kaming inihanda para sa inyo, lubos lubusin na natin ito dahil bukas aalis na tayo" Anunsiyo sa aming lahat ni Jeirahlyn at nagumpisa na kaming kumaing lahat ng sabay-sabay, ilang saglit lang ay inutusan ni Jeirahlyn si Nicole na tawagin si Sakura, sabagay, napansin ko din na ang ka-close lang dito ni Sakura ay si Nicole

Ilang minuto ang nakalipas at bumalik na ulit si Nicole pero hindi ko nakita na kasama nito si Sakura, agad namang napatayo si Jeirahlyn sa kinauupuan at nilapitan si Nicole para tanungin kung anong nangyari

"Oh bakit? Asaan na si Sakura?" Tanong nito sa dalaga habang nakahawak sa balikat ni Nicole

"Ah, eh.. ang sabi niya wala daw siyang ga--" Hindi ko na narinig kung ano ang sinabi ni Nicole nang biglang nagsigawan sila Norianne at Bea dahil naglalaro sila sa may pool at binabasa ang isa't-isa, sinabi ko naman sa isip ko na ano ba yan, di ko man lang narinig ang paliwanag ni Nicole ng maayos

"Ganun ba? Sige, siguro maya-maya pag wala pa rin siya papatawag ko nalang ulit, kumain ka na muna oh ang daming pagkain diyan" Sabi ni Jeirahlyn habang nakangiti, ilang minuto na ang lumipas at hindi ko parin nakikitang sumisipot si Sakura sa handaan, napansin ko rin na isa-isa na ring nagsisialisan ang mga kasama namin pero mangilan-ilan lamang ang mga umalis, nakita ko sa itsura ni Charlyn na parang nag-aalala na rin baka may masamang nangyari kay Sakura

"Ako nalang ang magtatawag kay Sakura" Sabi ni Charlyn kay Jeirahlyn, saktong papaalis palang si Charlyn ay narinig ko ng sumisigaw si Kheo na para bang nagmamadali

"Sandali!! Hintay! Sasama ako!" Sigaw nito habang tumatakbo papalapit kay Charlyn, pumayag naman si Charlyn na sumama si Kheo, kahit ako rin gusto ko rin na may kasama si Charlyn para in case na may mangyari atleast dalawa sila kaya nilang magtulungan 

Tatlong minuto palang ang nakakalipas ng umalis sila Charlyn at Kheo ay may bigla kaming narinig na nagdabog sa gate, napatahimik lahat ng nasa loob nito lalong lalo na ako, mas lalo akong kinabahan at nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong parang sinisira nito ang lock ng gate

"Shhhh..." Kahit anong mangyari walang mag-iingay, bilin sa aming lahat ni Jeirahlyn habang nakaupo sa sahig, napalingon nalang ako sa mga iba naming kasamahan at nakita ko na isa-isa na silang naghahanap ng matataguan, nang nararamdaman ko nang malapit nang masira ang gate ay agad na rin akong naghanap ng matataguan, hinila ko na rin si Jeirahlyn at nagtago kami sa likod ng mga halaman

Ilang saglit lamang ay nakapasok na ang taong sumira ng gate, pilit ko man itong tignan pero di ko magawa dahil maraming halaman na nakaharang, ang tanging nakita ko lang ay ang kaniyang mga paa at may hawak siyang katana, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ang hawak nitong katana ay pagmamay-ari ni Nicole, napaisip nalang ako at sinabi ko na hindi kaya si Nicole ang salarin? Ang lahat ng may gawa ng pagpatay?

"Alam kong andiyan lang kayo, huwag niyo na kasi akong pahirapan, dali! Labas na" Sabi nito at mas lalo akong kinabahan, nakita ko rin si Jeirahlyn na pawisan at halos gusto nang maiyak, hindi ko mabosesan ang nagsalitang iyon dahil pinataas niya ang pitch ng mic na gamit nito, ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig akong sumigaw, boses ito ng babae at para bang susugurin niya ang salarin

"Mamatay ka!" Nakita kong tumatakbo si Athena papalapit sa salarin habang hawak ang isang nail gun, pilit tamaan ni Athena ang salarin pero di niya magawa dahil sa sobrang panginginig ng kaniyang mga kamay, agad nagsilabasan ang iba naming kasamahan at yung iba ay tumakbo papalabas

Nakita ko na walang awang pinagsasaksak ng salarin ang kawawang si Athena at naibagsak nito ang nail gun na hawak, tumayo ako at agad kong hinila si Jeirahlyn papalabas ng biglang pinatigil kami ng salarin, napatigil kami sa pagtakbo at nakita ko na nakamaskara ang salarin, binaril niya ang hawak niyang nail gun at napapikit nalang ako

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon