38- Game 4(Hiatus)

3.3K 225 12
                                    

[Daphnne's POV]

Umagang umaga palang ay halos masira na agad ang araw ko dahil sa nakitang bangkay ni Jan sa may basurahan, sa ngayon naman ay naghahanda na kami para kumain ng agahan, pinipilit ko nalang kalimutan ang mga nangyari dahil baka masuka pa ako dito sa harap ng hapag-kainan, grabe ang bango na ng iniihaw nila Charlyn di na ako makapaghintay na kumain pa, sabi ko nalang sa isip ko habang kumuha ng plato na iniabot sa amin ni Lindy

Nakita ko na dumating sila ate Carly kasama niya si Jeirahlyn, nakita ko naman na dumaan si Bon sa harapan namin di niya kami pinansin pero hinarangan siya ni Sakura sa kaniyang dinadaanan

"Get out of the way weirdo, maliligo pa ako" Sabi nito sa harap ni Sakura, habang si Sakura naman ay pinagmamasdan ang mukha ni Bon

"Saan galing yang sugat mo?" Tanong ni Sakura kay Bon

"So ganun? Pinagbibintangan mo akong pumapatay? Nasugat ako dahil kagabi, may umatake sa akin, buti nga at nakatakas pa ako kundi patay na rin ako gaya ng mga iba nating kaklase, now scram!" Mabilis na paliwanag ni Bon kay Sakura at agad umalis sa kinatatayuan nito, nagulat nalang ang iba sa kanilang nasaksihan

"Oh diba?! Luto na ang ating ulam! Tara na kain na, alam kong magugustuhan niyo itong hinanda ko para sa inyo" Masiglang sinabi ni Charlyn sa aming lahat, maya maya ay nagsikuhanan na ang mga kasamahan namin sa ulam, bahala na pero gusto kong kumain ng nakakamay mas enjoy kasi

-----

Matapos kumain ay nag volunteer sila Lindy, Yeka at ate Carly na hugasan ang mga plato at magligpit, maya maya ay nagyaya naman sila Vanessa at Kheo na magswimming kahapon lang nagswimming kami ah, nakakainis naman gusto ko din sanang sumama pero tinanggihan ko muna ang pagyaya nila sa akin mahirap ng umitim at ma sunburn sa panahon ngayon, ilang minuto lang ay naglakad na kami papunta sa swimming pool habang ang iba naman ay nagsitakbuhan, nag dive na kaagad sila Vanessa sa pool nakakainis nga lang kasi natalsikan pa ako ng tubig edi parang naligo na rin ako

"Oy halina nga kayo dito ang kj niyo pa kasi eh" Sabi sa amin ni Vanessa habang patuloy siya sa paglangoy, nakita ko naman na nag pout nalang si Charlyn

"Malunod ka sana!" Sabi naman ni Charlyn at halos napatawa kaming lahat sa kaniyang sinabi, umupo nalang ako sa gilid ng pool at inilubog ang aking mga paa dito nalang muna ako kesa naman mag swimming nanaman ako sabi ko sa isip ko

Maya maya ay dumating narin sila Lindy, Yeka at Ate Carly, kakatapos lang nilang maghugas ng mga plato, ilang sandali lang ay biglang nag dive sila Yeka at Lindy, putek naman oh nabasa nanaman ako

"Uy halika na kasi dito, masaya naman magswimming eh kahit nakakaitim" Sabi sa akin ni Lindy habang kumakaway-kaway, hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa may biglang naramdaman ko na may humawak sa balikat ko at bigla akong tinulak papunta sa pool

"Hahahaha!!" Narinig kong tumawa silang lahat dahil sa para bang napahiya ako sa nangyari, nakita ko na si Christian pala ang tumulak sa akin habang tumatawa din, yun na nga eh nabasa na rin ako kaya maliligo narin ako, ilang minuto ang nakalipas at umahon na rin ako sa pool, napansin ko na natagalan din ako sa pagbababad dahil nakita ko ang mga daliri ko na nagungulubot na

9:30 ng pumasok ako sa banyo para magbanlaw, nang malapit na akong matapos magbanlaw ay agad kong naalala na hindi pala ako nakapagdala ng pampalit, nakakainis naman bakit ba kasi sa lahat ng oras ngayon pa nangyari sa akin to, 10 minutes na akong na stuck dito sa loob ng banyo at wala man lang akong naririnig na dumadaan hanggang sa nanlaki ang mata ko nang makarinig ako ng mga naglalakad at nagsasalita

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon