[Abegail's POV]
Matapos ang pagpatay kay Alex, patuloy parin ang pagsasalita ng principal, samantalang ako naman ay nagiisip ng malalim tungkol sa mga nangyari, habang patagal ng patagal ay pakonti nalang kami ng pakonti dito, hanggang kailan ko kayang lumaban? At biglang lumapit sa akin si Julian
"Oh ano, ayos ka lang? Mukhang hindi ka parin makapaniwala sa mga nakita mo, alam mo masanay ka na kasi araw-araw may mga mamatay din" Julian
Niyakap ko nalang si Julian hanggang bigla akong naiyak
"Ayoko nang makakita pa! Tama na ito" Sinabi kong paiyak
Tinignan nalang ako ni Julian at sinabing "Tara na, umalis na tayo dito sa gym" Wala nalang akong magawa, isa siya sa mga pinaka close na kaibigan ko dito
"Pasensya pala kung naging abala pa ako dahil nagdradrama ako sa harap mo" Abegail
"Ang cute mo pala pag umiiyak!" Ngumiti si Julian habang sinasabi niya yun sa akin
"Sira! Nagawa mo pang magbiro sa kalagayang ito, mabuti pa diretso nalang tayo sa cafeteria nagutom tuloy ako dahil sa mga nangyari" Abegail
At patuloy na kaming naglakad hanggang nakasalubong namin ang grupo nila Katrina
"Uy ate Abegail, okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Katrina
"Oo, ayos lang ako" Sagot ko naman
"Dapat matuto na tayong lumaban lahat, hindi yung pag may papatay na sayo papatay-patay ka pa" Sinabi naman ni Bea at umalis na siya
"Hoy bea, maghintay ka nga, sige po ate Abegail mauna na kami, ikaw din po kuya Julian" Sabi naman ni Anthon
"Oo ate, ingat po kayo!" Sabi naman ni Katrina at Daylin
"Kayo din, tignan niyo dinadaanan niyo, baka may matapilok" Sinabi kong pabiro
"Ate naman eh, nagawa mo pang magbiro haha, sige po, pupunta narin po kami ng mga rooms namin, 8 na po eh malapit na mag10" At umalis na sila
"O, pano ba yan, saglitan lang tayo sa cafeteria ha, para makabalik agad tayo sa rooms natin" Julian
"Ok lang, tara na" Abegail
At patuloy na kami sa paglalakad, hanggang makarating na kami sa cafeteria, pagpasok namin, andun sila Eonne at Erika, pero hindi nalang kami nagpansinan kasi hindi pa kami gaanong magkakilala, dumiretso ako sa refrigerator at naghanap doon kung anong makakain
"Hmm.. May chocolate donut, pretzels, cookies, alin kaya dito, Julian! Ano sa tingin mo?" Nang lumingon ako para tanungin sana si Julian ay bigla nalang itong nawala.
"Saan naman kaya nagpunta yun? Hmm.. bahala na, eto nalang ang kukunin ko" At kumuha ako ng dalawang piraso ng chocolate donut, isa sa akin at isa para kay Julian
Habang naglalakad ako palabas ng cafeteria, bigla akong kinausap ni Erika
"Hinahanap mo ba yung kasama mo kanina? Andoon siya, lumabas" At tinuro ni Erika ang labasan ng cafeteria
"Sige, maraming salamat" Sabi ko nalang habang paalis na ako ng cafeteria
Nang nakalabas na ako, akala ko nasa labas na naghihintay si Julian, pero iba eh, wala akong nakita, ang nakikita ko lang ay ang mga ilaw, at naririnig ko lang ang hangin, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang may narinig nalang akong sigaw na nanggaling sa garden, agad-agad aking tumakbo habang sinasabi ang pangalan ni Julian, binilisan ko ang takbo hanggang sa wakas nakarating na ako sa mga poste na may ilaw ng garden, hiningal ako at halos 3 minuto akong napaupo bago tumayo ulit dahil sa pagod. Pero nung tumayo ako, napansin ko sa pangatlong poste na walang ilaw, napundido ata, dahan-dahan akong lumapit sa pangatlong poste, madilim sa parteng yun at may nakita akong parang nakasabit sa poste mismo, patuloy parin ako sa paglalakad, hanggang lumaki ang mga mata ko at napasigaw ng malakas, nahimatay ako dahil sa katakot takot na nakita ko, wala na, wala na rin si Julian, may nagpatay sa kanya, nakasabit siya sa poste parang nagbigti pero hindi niya magagawang magbigti, at may dalawang kutsilyo na nakabaon sa kanyang mata, at putol ang kanyang isang paa yan ang nakita ko bago ako nahimatay.
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...