32- Solve Your Way Out

3.4K 214 9
                                    

[Kristine's POV]

Nagumpisa kaming nagtakbuhan sa loob, sigaw ako ng sigaw, mabagal lang naman maglakad yung zombie kaso natatakot talaga ako lalo na ang liit pa ng kwarto, patuloy parin ang pag-iwas ko hanggang sa nakakita ako ng parang hawakan na nasa dingding, agad naman akong tumalon at itinaas ang mga paa ko, hindi na ako maabot ng zombie kaso nakakangawit nga lang

Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ring namamatay, 4 minutes left nalang anunsiyo ni Mrs. Ynares, ngawit na ngawit na ako, patuloy parin naman sa pag-iwas sila Benjamin at Roman sa zombie, pinapaalis ako ni Roman sa pwesto ko pero ayoko, ano siya siniswerte? Ako naghirap abutin to ha

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang nakita kong sumisigaw si Benjamin, nakita ko na kinagat ma siya ng zombie sa bandang leeg, matapos nun ay sinunod naman ng zombie ang tiyan niya, nakita ko na tinatanggal ng zombie ang bituka ni Benjamin, nandiri ako kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko, ang dami nang dugo sa sahig, naganunsiyo naman agad si Mrs. Ynares

"Ok, wala na si Mr. Banares, nagtagumpay kayong dalawa sa first challenge natin, makakalabas na rin kayo, wag niyo nang alalahanin yung zombie, busy na siya sa pagkain kay Benjamin" Namumutla ako, unti-unti akong bumaba sa sinabitan ko at tumakbo palabas ng pintuan, naninikip na ang paghinga ko, sinalubong naman kami ni Mrs. Ynares sa harapan at pinasunod niya kami pabalik sa detention room

"Binilin sa akin ng principal na isang challenge lang ang ipapagawa ko sa inyo tapos exam na ang susunod, sino kaya ang malalaglag? Magkakaalaman na" Misteryosong pagkasabi ni Mrs. Ynares, wala na akong ibang magagawa, ang kailangan ko nalang gawin ay talunin pa si Roman sa exam, ayokong harapin ang Delicious Torture, patuloy ang paglalakad namin hanggang sa nakarating na kami sa loob ng detention room

"Ok, eto bibigyan ko kayo ng isang oras para sagutan ang mga ito. Madali nalang ang mga yan kaya ang ineexpect ko ay mataas ang makukuha niyomg dalawa, well hindi ko na kayo iistorbohin umpisahan niyo na ang inyong napakadaling exam" Matapos binigay ni Mrs. Ynares ang mga papel, nanlaki ang mga mata ko, title palang hindi ko na alam 'Economics 2' Grabe ha, hindi ko pa to napagaralan ipapaexam kaagad, buti nalang at multiple choice may pag-asa akong makabawi

Kalahating oras na ang nakalipas at saktong nakalahati ko na rin ang sinasagutan ko ang ibang items naman ay binabase ko nalang sa question kung ano ang malapit doon, bibilugan ko palang sana ang number 38 nang bigla nalang tumayo si Roman at pumunta kay Mrs. Ynares, nakita ko na pinasa na nito ang papel niya kasi tapos na siyang magsagot, sumimangot naman si Mrs. Ynares nang makita niya ang papel ni Roman

"Mr. Gomez, sure ka na ba dito sa mga sagot mo? May chance ka pang baguhin ang inyong mga sagot" Tanong nito ng seryoso kay Roman, ngumiti naman si Roman na para bang walang problema

"Oo naman ma'am, ang dali nga talaga ng exam tsk!" Sabi nito nasabayan pa ng maluwang na ngiti, tumingin naman sa akin si Roman pero iniwas ko ang mga tingin ko sa kaniya, nag-focus na ulit ako sa exam, ngayong nakakalahati ko na, kailangan ko ng galingan bahala na dito sa mga nabibilugan ko sabi ko sa isip ko sabay kagat sa kuko ko sa mga daliri, number 58 na ako, dalawang items nalang at tapos na ako, bibilugan ko na sana ang number 58 nang sinabi ni Mrs. Ynares na

"Times up! Ms. Ferrer, naubusan ka na ng oras, ipasa mo na ang papel mo, I hope na mas mataas ang nakuha mo kesa kay Mr. Gomez, bigyan niyo lang ako ng 5 minutes para icheck itong mga to, sino kaya? Sino ang makakaligtas? Sino ang haharap sa Delicious Torture?" Sabi ni Mrs. Ynares at tumawa ng parang mangkukulam, kinilabutan naman ako habang nakaupo ako, wala nalang akong ibang ginawa kundi magdasal na sana hindi ako ang mamamatay, gusto ko pang mabuhay

Kabadong kabado ako, nakita ko na sumilip si Kenneth sa salamin ng pintuan, ngumiti siya, yung nakakapangilabot talaga na ngiti, kakaiba ang ngiting yun, nakita ko na tumataas ang mga balahibo ko sa braso, pinagpapawisan ako ng malamig, naramdaman ko nalang bigla parang nay lumalabas na sipon sa ilong ko, pinunasan ko yun nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na dugo pala yun. Shit! Nagnonosebleed ako, tinakpan ko nalang gamit ang damit ko, wala kasi akong panyo kaya napilitan akong pantakip nalang ang damit ko

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon