07- At Your Service

7.3K 267 2
                                    

[Eonne's POV]

Kumain na kami matapos malaman na may nurse pa pala ang university na ito

"Grabe ah, ang tagal na nating nandito, marami nang namatay, tapos ngayon lang magpapakita yang nurse na yan? Tapos ang arte pa niyang magsalit kanina, akala mo naman galing ibang bansa" Sinabing painis ni ate Erika

"Haha si ate oh, naiinis na" Sinabi ko naman

"Eh sino ba namang hindi maiinis" Sagot din niya, tapos biglang dumaan si kuya Yang sa harapan ni ate Erika

Pinagmasdan ko si ate Erika na, talagang patay na patay siya sa kanila kuya Yin at Yang, bigla ko ulit siyang kinausap

"Uy, si ate, namumula, dumaan lang yung crush niya" Asar ko kay ate Erika

"Huh? Hindi ah, atsaka saan yung sinasabi mong namumula?" Sabay nagpulbo

"Ay, wala na ate, nagpulbo ka eh, madaya, siya nga pala ate, labas na tayo dito, kanina pa pala natin naubos yung mga pagkain natin eh" Sagot ko naman

"Oo nga no, buti pinaalala mo, gusto ko ding lumanghap nang sariwang hangin" Sabi naman ni ate Erika

At lumabas na kami sa cafeteria, at naisip ko nanaman na mamaya na ang pangatlong school exam, may mamamatay nanaman, pero sanay na ako, pakonti na kami ng pakonti

Namimiss ko na si Mama ko, wala akong contact sa kaniya, namimiss ko na din yung dati na marami pa kami dito, pero 14 nalang kami ngayon na natitira, tapos mamaya mababawasan ulit

Grabe talaga ang buhay dito, kulang nalang pumuti ang uwak eh, at napahinga ako ng malalim, ng bigla akong tinanong ni ate Erika

"O, ano? Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni ate Erika

"Oo ate, siguro nabusog lang ako" Sagot ko nalang sa kaniya, at pinagpatuloy namin ang paglalakad

Habang naglalakad kami, naganunsiyo ang principal

"Sa mga estudyante! Wala tayong magaganap na class exam mamaya, kasi napansin ko na ang konti niyo na, eh marami pang araw na dapat may mga tao pang ligtas dito, kaya magsaya kayo dahil ngayong araw lang na ito mangyayari" Nang sinabi ng principal yun, tuwang tuwa kami ni ate Erika, halos napalundag kaming dalawa, kulang nalang umikot ikot sa sahig

Sabay hinga ng maluwag

"Mabuti nalang pala walang mamamatay mamaya" Sabi ko nalang

"Sana ganito nalang araw-araw" Sabi naman ni ate Erika

Nang biglang nakita naming lumabas nadin ng cafeteria ang grupo nila Carly, sabay kinausap ito ni ate Erika

"Uy guys! Narinig niyo ba yung sinabi ng principal? Wala daw mangyayaring class exam mamaya" Sabi ni ate Erika na tuwang tuwa

"Oo, mabuti na nga yun eh, kaso ngayong araw lang daw na ito" Sagot naman ni Jane

"Paano kaya kung imbitahin natin lahat ng mga kaklase natin sa cafeteria mamayang 5 para magkaroon ng kahit maliit na party man lang" Sabi naman ni James

"That's a great idea James" Sagot ni Carly

"Ok sige, ako nalang bahala na magsabi sa mga kaklase natin mamaya" James

At wala nalang kaming magagawa dahil yun na ang desisyon nila, baka magaway-away lang pag kinontra namin ang plano

At sabay na kaming umalis ni ate Erika

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon