33- Happy Happy

3.3K 218 6
                                    

[Bea's POV]

Ano totoo ba yung narinig ko? Pupunta daw kami sa isang resort? Laking himala ata yung nangyari ah, ano naman kayang pumasok sa isip ni principal bakit niya kami gustong papuntahin sa resort? Ah basta, hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kay Roman talagang nakakadiri eh, sabi ko sa isip ko sabay inom nung bote ng juice, naririnig ko na nagsasaya ang mga grupo nila Charlyn dahil sa excited siguro sila sa resort, habang kami naman nila Jeane at Norianne ay busy sa pagkain namin

Ilang minuto ang lumipas ay biglang tumayo si Jeane sa kaniyang kinauupuan at nakisali na rin sa kwentuhan nila Charlyn, niyaya naman ako ni Norianne na sumunod nalang din kay Jeane kaya wala na akong nagawa kundi sumama narin kahit alam ko na ma o-OP lang ako, nakaupo lang ako, hindi nagsasalita, habang sila ay ang lalakas ng kanilang nga tawanan

Buti sana kung anime ang pinaguusapan nila, patuloy lang silang naguusap, pinapakinggan ko nalang lahat ng kanilang mga sinasabi nang bigla kong narinig si Charlyn na nagtanong 'Uy alam niyo ba yung anime na Another?' Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, ilang sandali lang ay agad akong sumagot

"Ako alam ko!" Pasigaw kong sinabi habang may pakaway-kaway effect pa, nagtawanan naman ang iba kasi kanina hindi daw ako nakikipag-usap pero nang may nabanggit na anime ay parang nabuhay agad ako, speaking nga of anime, eto na pinag-uusapan na nila!

Ilang minuto din ang lumipas, na-enjoy ko ding makipag-usap kanila Charlyn kahit papaano, ni-remind naman kaming lahat nila Vanessa na 2:30 na ng hapon, hindi ko inakalang ang tagal din pala naming nag-usap-usap, may gusto sana akong itanong kaso nahihiya nga lang ako, gusto ko din makisama sa kanila, gusto ko din silang maging malapit na kaibigan sa kanila

"Ah, pwe-de ba kaming ma-kisali nila Jeane at Norianne sa grupo niyo? Matagal ko na kasing napapansin na parang ang grupo niyo ang may pinakamasaya sa lahat ng mga magkakasama dito" Mautal kong tanong sa kanila, siyempre nahihiya din naman ako, iniisip ko nalang na sana pumayag sila, hindi nila kami i-reject, nakita ko nalang na gumuhit ang ngiti sa kanilang mukha

"Oo naman no, siguraduhin niyong walang plastic ha, kailangan nating magtulungan lalo na sa sitwasyon natin ngayon, sunod-sunod pa naman na ang mga namamatay" Napagdesisyunan nila na isama nila kami kaya naman yan ang sinabi sa amin ni Jeirahlyn, ngumiti nalang ako sabay thumbs-up, grabe hindi naman kami plastic, malay niyo isa dito sa mga taong nasa harap ko ang may nililihim, hindi ko nga lang malaman kung sino kasi masyado siyang magaling magtago, naisip ko na tanging si Sakura lang siguro ang nakakaalam kung sino ang pumapatay

2:45 na, nandito parin kaming magkakasama sa loob ng cafeteria, yung iba, may kaniya-kaniya nang mundo, ako bumalik ulit sa silent mode, ang tahimik na dito sa cafeteria kasi wala nang masyadong nagsasalita at nagtatawanan, nakuha naman ang lahat ng atensiyon namin ng biglang nag-anunsiyo ang principal

"Afternoon announcement everybody! May natagpuang bangkay sa loob ng library, gusto ko na pumunta kayong lahat doon, ngayon na" Napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa, ang iba nanlaki ang kanilang mata, meron din nagtinginan sa isa't-isa, napatayo naman ang iba at napatigil sa pagkain

"Uy tara na doon, kailangan natin tong makita" Sabi sa amin ni Jeirahlyn, hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa kaya agad din kaming naglakad papunta sa library, ilang minuto ang lumipas bago kami nakarating sa library, may mga tao nang nakaharang sa may pintuan, nakisiksik nalang kaming lahat para malaman kung kanino ang bangkay na natagpuan, sinilip ko at natagpuan namin ang katawan ni Chantelle na duguan, nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo

------

[Killer's POV]

Napadaan ako sa cafeteria, nakita ko na pumasok doon si Sakura, kaya nung pagkabukas niya ng pintuan ay nakita ko din na maraming tao ang nasa loob ng cafeteria kaya hindi ko nalang yun pinansin, naglakad ako papalayo at nakita ko si Chantelle na naglalakad, parang may pupuntahan ata siya, kaya ang ginawa ko, sinundan ko siya hanggang sa nakita ko na pumasok siya sa library

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon