47- Paranoia

651 152 6
                                    

[Yin's POV]



Gulat na gulat ako nung pagkasilip ko sa labas ng kwartong tinutuluyan namin, nang pagkasabi ko kay Carly na nag-iba ang lahat agad niyang tinawag ang lahat ng kasama namin para umalis na dito sa lugar na 'to dahil hindi kami ligtas at baka kung ano pang mangyari sa amin



Patuloy lang kaming naglalakad at naghahanap ng hagdan pababa hanggang sa biglang nagsalita si Yeka "Kanina pa tayo naghahanap ng hagdan pero wala tayong makita ni isa, masyadong maluwang ang lugar na ito" Kung tutuusin tama naman si Yeka



"Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayo? Para mas mabilis tayong makahanap ng daan paalis dito?" Sinabi naman ni Kheo ang kanyan ideya "Sa lagay na to? May humahabol at gustong pumatay satin tapos maghihiwalay pa tayo? I don't think that's a great idea" Sabi naman ni Nicole



"Wala tayong ibang choice kundi magsama-sama nalang para natitiyak nating walang mapapahamak" Mahinang tugon ni Yeka



Patuloy lang kami sa paglalakad ng parang may napansin akong kakaiba sa kisame na pupuntahan namin, nanlaki ang mga mata ko ng biglang may lumabas na blade at agad na nagswing sa daan, tatama na sana ito kay Charlyn ng bigla ko siyang tinulak at sa lagay na yun parehas kaming nakadapa sa nangyari



Matapos mangyari nun ay may narinig kaming tawanan ng mga maliliit na tao, ewan ko kung anong tawag dun pero dahil sa boses nila "What the, muntikan ka na dun Charlyn. Buti nalang at agad na nakita ito ni Yin" Sabi naman ni Kheo "Sa tingin ko subukan natin pumasok sa isang kwarto dito, alam kong pagod na din kayo sa paglalakad at paghahanap. Wala talagang hagdan pababa eh" Paliwanag naman ni Carly



Mabilis naman kaming nakahanap ng kwarto at agad kaming pumasok doon, sa kwartong ito nakikita ko na kwarto ito ng isang bata. Maraming manika at iba't-ibang klase ng mga laruan



"Naaalala ko yung bunso namin sa kwartong ito. Namimiss ko na talaga ang kapatid ko pati sila mama at papa" Nakita ko sa mga mukha ni Nicole na talagang gusto na niyang makauwi "Oo nga pala Sakura, saan mo nilagay yung mga stick man? Kelangan rin nating ingatan yun, dun nakasalalay ang mga buhay natin" Pagkasabi ni Carly nun ay agad namang tinuro ni Sakura ang kanyang bag ibig sabihin na andun lang ang mga stick man



"Ilabas ko muna 'tong mga 'to at aayusin ko lang ang mga laman ng bag ko" Sabi naman ni Sakura at pinatong ang mga stick man sa isang maliit na lamesa "Ang cute naman neto" Akmang hahawakan ni Kheo ang isang laruang kahon ng bigla itong sinuway ni Yeka pero huli na ang lahat, nang mahawakan lang ni Kheo ang laruan ay tumunog ito



Bumukas ang kahon at may lumabas na laruang babaeng sumasayaw kasabay nito ang isang nakakaantok na tunog, maya-maya'y may narinig kaming iyak ng isang bata, hindi namin alam kung saan nanggagaling ang iyak na yun



"Guys ti-tignan niyo yung pinto, bumubukas" Pautal utal na pagkasabi ni Charlyn, agad naman namin itong tinignan



"Waaaah!" Sigaw ng isang manikang naglalakad papasok sa kwartong kinalalagyan namin, tumaas ang mga balahibo ko sa nakita hanggang sa palakas ng palakas ang sigaw nito, nakakabingi at tinakpan ko na ang aking mga tainga



"Hindi ko na kaya!" Narinig kong sigaw ni Nicole at nakita kong may tumulong dugo galing sa tainga niya, sumulyap akong muli sa manika na naglalakad at agad itong nagbuga ng makapal na usok. Isa yung sleeping gas. Maya-maya'y nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng talukap ng mga mata ko



Tumingin ako sa mga kasama ko, nakatulog na silang lahat. Bago ko naipikit ang mga mata ko may naaninag pa akong taong naglalakad na pumasok dito sa kwarto, hindi ko alam kung sino yun pero sinabi ko nalang sa isip ko na "Masama ito" hanggang sa nagdilim na ang aking paningin



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon