02- Hello Strongest 20

10.9K 340 11
                                    

[Carly's POV]

Nagising ako dahil biglang may naririnig akong maingay sa labas

"Haay! Ano ba yan ang sarap sarap pa ng tulog ko, nakakaistorbo naman yun" Sinabi ko habang naguunat ng katawan

Lumabas ako ng kwarto upang silipin kung ano yun, nakita ko andun lahat ng mga tao, at agad-agad kong nilapitan sila Caitlyn at Jane para tanungin kung anong nangyayari

"Uy guys! Anong meron?" Tinanong ko na walang kaalam-alam

"Wala naman, sinabi lang ni principal na maghandna tayong lahat sa darating na class exam mamayang 5 na gaganapinsa detention room" Caitlyn

"Medyo mga kakaibang tanong daw ang mga nasa testpapers natin mamaya kaya dapat marami daw tayong alam tungkol sa mundonibabaw" Pahabol naman ni Jane

"Sige, salamat sa mga impormasyon, mauna na muna ako, magpapalit lang ako" Carly

"Kung gusto mo sumunod ka nalang sa cafeteria mamaya, sabay sabay tayong kumain" Sabi ni Caitlyn at umalis na sila papunta sa 1st floor

Ngumiti nalang ako at pumasok ulit sa kwarto ko, "Kailangan ko ng magpalit para makasunod sa kanila" Bulong ko sa aking sarili, may mga plastic din kaya akong makakasama dito? At matapos ang limang minuto na pagpapalit, bumaba na ako at sumunod sa cafeteria gaya ng sinabi sa akin nila Caitlyn, habang naglalakad ako sinabi ko sa sarili ko "Kill or be killed? Hmm.. Ayokong magpatay ni mamatay, sana naman ako ang makaligtas dito, marami pa akong pangarap sa buhay" Yun ang iniisip ko hanggang makarating na ako sa cafeteria, pagpasok ko, pambungad na pambungad ko ang kambal na sila Yin at Yang, "Putek grabe ang gwapo nila" Sinabi ko sa isip ko pero biglang inisip ko ulit na wala ako dito para makipagboyfriend, nandito ako para harapin ang mga hamon para maligtas, at tinawag na ako bilgla nila Caitlyn at Jane

"Bakit parang ang lalim naman ng iniisipmo?" Tanong sa akin ni Caitlyn

"Ah wala yun, wag niyo nalang intindihin" Palusot ko nalang sa kanila

"Ok, pero sabihin mo lang sa amin ha kung may kailangan ka, tayo palang tatlo ang magkakaibigan dito" Jane

"Oo, salamat at nandiyan kayo parasa akin" Carly

Matapos ang mahaba naming pagkwekwentuhan, bigla nalang natawa si Jane

"Ahahaha!! Grabe guys alam niyo bang usap tayo ng usap pero yung mga pagkain natin di pa natin nagagalaw ni isang kagat" Jane

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon