28- DESPAIR

3.6K 211 6
                                    

[Killer's POV]

Halos buong hapon akong naghukay ng malalim, patibong ko ito para mabawasan nanaman ulit kami, malas nalang ng tatanga-tangang tao ang makakaapak ng butas na ito, sa patibong ay nilagyan ko ng maraming piraso ng basag na nga bote, para pag nahulog siya matutusok agad ang paa niya, nang handa na akong maghintay nang bibiktimahin ay umakyat na ako sa isang puno at nagtago sa mga dahon-dahon

Gabi na nun, at may nakita akong naglalakad na may kasamang liwanag, habang papalapit ng papalapit ay nakita ko na si Mr. Corpuz na naglalakad habang hawak ang kaniyang cellphone, hanggang sa tumapat siya sa patibong na ginawa ko at nahulog siya, naiwan ang kaniyang cellphone sa damuhan, napasigaw nang malakas si Mr. Corpuz dahil sa natusok ang kaniyang paa

Nang nakita ko na hindi na makagalaw si Mr. Corpuz ay bumaba na ako sa kinalalagyan ko, kinuha ko ang nakaboteng gasolina at tumapat ako sa patibong na ginawa ko, nakita ko sa ilalim si Mr. Corpuz, nakahiga siya at nakatusok ang isang malaking piraso ng bubog sa kaniyang likuran, nakita niya rin ako na nakatayo sa harapan niya

"Ikaw! Pano mo nagawa ito, pagsisisihan mo ang lahat nang ito" Matapos kong marinig yun ay ngumisi nalang ako at tumawa ng malademonyo binuhos ko sa kaniya ang gasolina at kinuha ko ang lighter na nakabulsa sa akin, sinindihan ko ito at tinapon kay Mr. Corpuz, lumiyab ang katawan ni Mr. Corpuz habang sunod-sunod naman ang kaniyang malalakas na sigaw, nakita ko na nalalapnos na ang kaniyang nga balat hanggang sa nangitim na ito at nawalan na siya ng buhay

Nakita ko ang cellphone niya at kinuha ko naman ito, pinunta ko sa messages at tinext ko si Ms. Salva, matapos kong tinext yun ay tinapon ko nalang ang cellphone niya kahit saan at bumalik sa camp, ilang minuto akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa camp, kunwari pumasok nalang ako sa loob ng tent at kunwari namang lumabas na gulo-gulo ang buhok ko

Nang bubuksan ko na sana ang tent para lumabas ay agad tumambad sa akin ang mukha ni Sakura, nakangiti siya at tumatawa ng mahina, tinanggal niya ang eyepatch na nakasuot sa kaniya at hinawakan niya ang ulo ko at nakipag eye-to-eye contact siya sa akin

"Alam ko ang ginawa mo, wag ka nang magpakainosente pa, madumi na rin ang mga kamay mo" Sinabi niya sa akin at tumawa, binalik naman niya ang eyepatch niya at umalis na sa harapan ko, nanlaki ang mata ko sa mga narinig, hindi rin ako nakapagsalita sa mga nangyari, ako ang kinikilabutan sa mga sinabi ni Sakura eh

-----

[Yeka's POV]

Bago kami magumpisang maghanap ay may naamoy kaming parang nasusunog, nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may umaapoy, kaya naman imbes na maghiwa-hiwalay kami, lahat nalang kami ay pumunta doon kung saan nanggaling ang sunog

Tinakbo naming lahat papunta doon hanggang sa napatakip nalang kaming lahat ng ilong dahil sa usok, ang iba ay naririnig ko pang umuubo, inilaw namin ang flashlights na dala at tinutok namin ito sa may bandang umaapoy, ilang minuto naming hinintay hanggang sa mawala ang apoy, lumapit na kami isa-isa at may nakita kaming butas na malalim, mukhang may gumawa nang patibong, siguro yung mga nanghuhuli ang gumawa nitong patibong kaya kailangan naming mag-ingat nang mabuti

Inilawan namin ang loob ng malalim na butas at hanggang sa nanlaki nalang ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko, hindi ako makapaniwala na may katawan na nakahandusay sa loob, nasunog ang katawan nito at naalala ko ang pinakitang text sa amin ni Ms. Salva, hindi kaya kay Mr. Corpuz ang bangkay na ito? Naisip ko nalang bigla, muntik pa akong masuka sa mga nakita

Nakita ko rin na dumating na si Ms. Salva at nakita niya na rin ang buong nangyari, biglang tumulo ang luha nito at nagumpisa nang mapaupo at tinakpan ang kaniyang mukha, ang iba naman naming kaklase ay kinomfort nalang si Ms. Salva, alam kong masakit sa kaniyang tanggapin ang pagkawala ni Mr. Corpuz, kasi naalala ko ang kwinento niya sa amin kanina na si Mr. Corpuz daw ang pinakamalapit niyang guro sa lahat ng guro dito sa university

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon