14- Hi Classmate, Can I Kill You?

5.6K 254 19
                                    

[Carly's POV]

Nagising ako dahil sa ingay sa labas, naririnig ko na may mga nagtatawanan, bumagon ako at pumunta ako sa pintuan, pero imbis lumabas ako ay bigla kong kinatok ng padabog ang aking pintuan, matapos nun ay nawala na ang mga nagtatawanan

"Nakakainis ah, umagang-umaga kailangan maglandian?!" Bulong ko sa sarili ko

Babalik sana ako sa higaan kaso nakita ko ang oras, 7:32 am na

"Nako lagot! Meron na pala yung mga bagong estudyante" Sabay sabi ko sa sarili ko at agad akong nagayos ng sarili

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko na halos wala nang katao-tao sa labas ng floor na yun, bumababa ako hanggang sa may park, nagtataka ako bakit walang katao-tao

Biglang may nagsigaw sa pangalan ko malapit sa may cafeteria

"Teka, paano? Bakit meron ulit yung cafeteria?!" Laking gulat kong sinabi

Dumiretso ako sa cafeteria hanggang sa nakita ko ulit ng malapitan, totoo nga! Kinapa ko ang mga pader nito, nakakapagtaka talaga, paano bumalik yan?

"Halika dito sa loob, nandito na yung mga bagong estudyante" Sabay hatak sa akin ni Yang papasok sa loob ng cafeteria

Nang makapasok na ako ay nakita ko na nakaupo ang 6 na babae sa iisang sofa, isa-isa silang lumapit sa akin at nakipagkamay, nauna sa linya si Ahran, sumunod sila Adhara, Patricia at Aubrey, sumunod naman si Ariana at huli si Jainee

Nakita ko si Ahran na parang ang sama ng tingin niya sa akin, at agad siyang lumapit kay Erika, hindi ko nalang yun pinansin at lumapit nalang din ako kung saan nakaupo sila Yang

"Paano nangyari?" Tanong ko sa kanila

"Ang alin? Kung ang pagbalik lang din ng cafeteria ang tatanungin mo, ang masasabi ko lang ay ewan ko, wala din akong ideya sa mga nangyari, kumain ka muna kaya" Sabi sa akin ni Yang

"Sige salamat nalang, wala pa akong ganang kumain eh" Sagot ko naman

At ipinagpatuloy nalang nila ang pagkain, habang ako naman ay patuloy paring iniisip ang mga pangyayari

-----

Sa tagal kong nagisip ay biglang may naganunsiyo

"Lahat ng estudyante, pumunta sa gym ngayon na!" Sabi nung nasa speaker, nagtaka ulit ako bakit hindi si principal ang naganunsiyo? At bigla ko nalang naalala na nasa Paris pa pala ang principal, last na araw niya na ngayon kaya bukas babalik na yun

Sabay-sabay kaming umalis sa cafeteria para pumunta sa gym, sa paglalakad namin ay nakita ko ang mga bagong estudyante ay may mga naging kaibigan agad sila except kay Jainee na nakita kong nag-iisa lang, kaya nilapitan ko ito

"Oh bakit mag-isa mo lang? Wala ka pa bang kakilala dito?" Tanong ko sa kaniya

"Wala pa eh, natatakot nadin ako sa mga susunod pa na mangyayari" Sagot nito sa akin

"Wag mong isipin yan, ang isipin mo kung paano ka makakaligtas dito" Sagot ko nalang sa kaniya

"22 kami dito dati, pito nalang kaming naiwan ngayon, yung iba namatay na, nagsikap kaming maligtas kaya dapat maging matapang ka din" Sabi ko ulit sa kaniya

"Salamat na lang din" Sabi nalang niya sa akin at inunahan niya ako

Patuloy parin ang paglalakad ko hanggang nakapunta na kaming lahat sa loob ng gym

"Oh? Nasaan na yung nagpapatawag?" Sabi ni Patricia

"Pwede ba, patience is a talent" Sabi naman ni Adhara

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon