Year End Special: Celebrating Christmas With Carly

3.5K 215 8
                                    

Author's Note: 

May special chapter po ang S26U! Featuring Carly, kaway-kaway sa mga fans ni Carly diyan =) 

Ikwekwento ko po ang last year Christmas celebration ni Carly kasama ang kaniyang pamilya, sana po magustuhan niyo kahit short special chapter lang ito ^^

-------------------------------------

[Carly's POV]

"Ate Carly! Gising ka na! Tinatawag ka na ni mama!" Sigaw ng kapatid ko na si Carlos dahilan ng pagkagising ko bigla, siya nga pala si Carlos siya ay 10 years old dalawa lang kaming magkapatid niyan, kahit di ko pa gaanong inaayos ang itsura ko ay bumangon na ako sa higaan at naglakad na palabas ng kwarto, ramdam na ramdam ko na sobrang lamig ngayon, napaisip nalang ako bigla hanggang sa may naalala ako, agad akong tumakbo pabalik sa kwarto ko at tinignan ang kalendaryo

Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko nang makita kong December 24 na pala, grabe parang December 20 lang kahapon ah, ang bilis na talaga ng araw halos di ko namalayan na pasko na sinabi ko sa isip ko habang tinatanggal ang morning glory ko sa mata, tumungo ako sa banyo at naghilamos at nagsipilyo matapos nun ay sinuklay ko na ang buhok ko, muli akong bumalik sa higaan ko at umupo habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, narinig ko naman bigla na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko na si mama pala yun

"Anak, halika na sa kusina at naghanda ako ng agahan natin, matapos kang kumain mag-ayos ka at samahan mo akong mamalengke ha? Mamimili tayo ng mga handa para sa noche buena" Sabi ni mama sa akin, ngitian ko nalang siya, pero akala ko ay aalis na siya nang makita niyang parang ang lungkot ko

"Oh bakit? Anong problema mo? Pasko ngayon anak, bawal maging malungkot" Sabi sa akin ni mama habang hinahaplos ang aking likuran

"Wala po ma, naalala ko lang po ulit si papa, limang taon na nating sinecelebrate ang pasko na wala siya, sobrang namiss ko na talaga si papa ma wala din naman tayong balita kung kailan pa siya babalik dito sa Pilipinas, ilang pasko na ang nagdaan at laging yun ang christmas wish ko pero hindi naman nagkakatotoo, bata palang kami nila Carlos mula nang umalis siya gusto ko namang makita ang pamilya natin kahit isang araw lang na magkakasama, yung buo tayong lahat pero sa tingin ko bigo nanaman ang magiging wish ko" Sabi ko kay mama

"Anak, kahit hindi naman natin makasama ang papa mo ngayong pasko basta ang mahalaga ay lagi tayong ligtas, lalo na ang papa mo lagi ko din siyang pinagdadasal na sana walang mangayaring masama sa kaniya, alam mo kahit nasa malayo ang papa mo mahal na mahal tayo nun kahit minsan lang natin siya makausap sa isang buwan, tignan mo nga oh binigyan ka niya ng isang cellphone na mamahalin ano ba to? Ewan ko ba kung pano gamitin, kahit ako nga sabik na sabik na akong mayakap siya, pero hindi pa daw niya alam kung kailan siya uuwi dito alam mo na naman na malayo pa ang pinanggalingan niya, at saka marami din siyang inaasikaso lalo na ang mga pasyente niya sa Canada, kaya wag kang gaanong mag-alala, gusto mo ba tawagan natin siya mamaya para mabati natin ng merry christmas?" Mahabang pagsasalita ni mama at saka tinanong niya ako, napangiti nalang ako at sumang ayon sa sinabi ni mama, matapos nun ay umalis na si mama kahit papano naman ay napangiti rin ako, tumayo na ako sa kinauupuan at dumiretso sa kusina

Naabutan ko pang kumakain si Carlos, napaisip nalang ako na ang tagal namang kumain nitong batang to, umupo nalang ako at hinawakan ang kutsara at tinidor na nakalagay sa plato, kumuha ako ng fried rice, scrambled egg at tuyo, kahit simple lang ang ulam namin masaya na ako, napapasaya na ako kahit simpleng tuyo lang hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain eh, basta luto ni mama masaya na ako

Makalipas ang limang minuto ay natapos na ring kumain si Carlos, habang ako naman ay patapos na rin

"Oh, ako nang maghuhugas, iwan mo na diyan" Sabi ko sa kapatid ko, kaya naman iniwan nito ang pinagkainan niya at naghugas ng kaniyang mga kamay, ilang minuto lang din ang lumipas at natapos na rin akong kumain, hinugasan ko na rin lahat ng mga pinagkainan namin saka ko ito iniligpit

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon