31- Welcome Back Exam

3.5K 220 4
                                    

[Charlyn's POV]

5 na nang hapon nang matapos nami ang mga gulay at karne, isang oras na rin ang nakalipas matapos ang nangyari kay Ms. Salva, wala na kaming kasamang uuwi bukas, nakita ko rin si Kenneth na nakagising na rin, nakikipag-usap na rin siya, nakarecover na siguro siya, habang pinagpatuloy naman nila Yeka, Vanessa at Lindy ang pagluluto

"Guys maaga na po tayong mag-gagabihan ngayon, hindi na po natin hihintaying maabutan tayo ng dilim, bukas narin tayo aalis" Anunsiyo ni Jeirahlyn sa lahat, agad namang sumangayon ang lahat, kalahating oras ang nakalipas at naluto na ang mga pagkain, 5:30 na nang hapon nang mag-umpisa kaming kumain

Kain

Kain

Kain

Kain

Kain

30 minutes ang nakalipas at natapos na kaming lahat na kumain, nagvolunteer sila Eve, Trinity, Nina at Bon na maghugas ng mga pinagkainan, sila nalang daw ang gagawa nun dahil hindi sila nakatulong sa amin kanina, pumayag naman ang lahat sa kanilang desisyon at nagumpisa na nilang hugasan ang mga plato sa poso

Gabi na rin nang maisipan naming maligo, isa-isa kaming naligo sa banyo kung saan namatay si Kim, hindi naman siguro magagalit sa amin si Kim mabait siya at alam kong di niya kami kayang takutin, ilang minuto ang lumipas at lumabas na rin ako sa banyo na fresh  

Nakita ko ang orasan, saktong 7 na nang natapos akong maligo, sumunod naman sa pila ko sila Christian, Kheo, Adhara at Lindy, hinintay pa namin ang lahat na matapos para sabay-sabay na kaming makabalik sa cabins

Binilisan na ring maligo nang mga natitira pa naming kasamahan at saktong natapos sila ay quarter to 8 na, ginabi na kami buti nalang may mga torch na ginawa sila Benjamin, Rain at Roman kanina kaya maliwanag ang dadaanan namin papunta sa camp, ilang saglit din ay nakarating na kami sa camp, yung iba maagang natulog, ako naman hinihintay ko lang na matuyo ang buhok ko at matutulog na rin ako

Iniisip ko sila Mama, Papa, mga Kapatid ko at mga iba ko pang Kapamilya, kamusta na kaya sila? Namiss ko na talaga sila, ilang minuto rin akong nagdrama at napansin ko nalang na tumulo na bigla ang luha ko, napangiti nalang ako at pinunasan ang pisngi ko, matapos nun ay humiga narin ako at natulog na

10PM



12AM



3AM



6AM



7AM



At nagising ako bigla dahil sa may kumakalabit sa akin, nakita ko na si Jeirah pala ang gumigising sa akin

"Uy gising na, andito na yung bus" Nanlaki nalang ang mga mata ko nang marinig ko na sinabi ni Jeirah na nandito na yung bus, agad naman akong bumangon at tinungo ang bintanan, nakita ko na andun na nga sa labas ang bus, dahil diyan nagpalit nalang ako ng damit ko at nag-ayos, sabay-sabay kaming lumabas ng cabin at nakita ko sa bus na may nakadikit na cartolina at may nakasulat na 'Welcome Back' Sa may entrance door ng bus

Isa-isa kaming pumasok sa loob ng bus, katabi ko ulit si Jeirah sa loob, napalingon nalang ako sa likuran nang makita ko na nakasakay na kaming lahat sa bus, nakita ko na marami na ding bakate dahil sa mga namatay naming kasamahan, matapos ng kaiisip ko ay umandar na ang bus, ang iba naman narinig ko na nagsalita karamihan ang sinasabi nila ay 'Buti nalang at nakaalis na tayo doon' Oo nakaalis nga kami pero nandito parin sa loob ng bus kung sino ang kasabwat pa ni Rochelle

Ilang saglit din ay lumingon ulit ako sa likod, nakita ko na wala namang kakaibang nangyayari, kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko at naisipan kong matulog, buti nalang pala dala ko si sweater, sobrang lamig pa naman dito sa loob ng bus, tapos na rin ang camping sa wakas, ayoko nang maulit pa yun

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon