[Jane's POV]
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan ang namatay na, habang iniisip ko nalang yun, umiiyak din si Carly habang niyayakap niya ako
"Grabe, bakit ganun ang nangyari, pwede namang iba nalang eh, bakit siya pa" Sinabi ni Carly habang umiiyak ito
"Tanggapin na natin ang mga nangyari, hindi na natin maibabalik ang oras" Sinabi ko nalang para tumigil si Carly sa kakaiyak
Pero sa kaloob looban ko, masakit talagang mawalan ng kaibigan, lalo na pag yung magkakalapit na talaga kayo, yung unti-unti nang nabubuo yung mga masasayang pagsasama, yun ang naiisip ko ngayong gabing ito, naganunsiyo ulit ang principal
"Oh my, oh my! Welcome my Top 15! Talagang ang gandang bigyan ng mga leksyon ang mga bobo niyong kaklase, biruin niyo, napakadaling tanong nahihirapan pa, bale 9:46 na ng gabi, malapit na ang 10 kaya siguraduhin niyong wala nang pakalat-kalat mamaya" Sinabi ng principal
Di ko na mapigilan ang sarili ko sa mga sinabi ng principal, kung may pagkakataon lang sana na makita ko yun, ako mismo ang papatay doon, kahit ikamatay ko pa
Matapos kong magisip ng halos napalatagal, may sinabi nalang si Carly
"Tara na sa mga kwarto natin, bukas nalang tayo magusap-usap, parang nawalan na ako ng gana sa lahat" Sinabi nalang mahina ni Carly at hinawakan niya ang kamay ko
Naglalakad kaming dalawa papunta sa aming rooms nang sinalubong kami ni James
"O, ayos ka lang ba?" Tanong nito kay Carly
"Hindi, wala muna akong ganag makipagusap ngayon, bukas nalang, pasensya na" At nauna sa akin si Carly
"Pagpasensyahan mo na si Carly, talagang di lang niya matanggap na wala na si Caitlyn, kahit ako nga eh, pinipilit ko lang na kalimutan yun" Jane
"Ay ganun ba yun, ako nga din, si Ezra na nga lang ang lagi kong nakakasama dito, pero tinangka niyang iligtas si Caitlyn, pero parehas lang din silang namatay" Sinabing malungkot ni James
Nginitian ko nalang si James, at pinatong ko ang palad ko sa balikat niya
"Hayaan mo na, lahat din naman tayo eh, isa lang talaga ang makakaligtas" Sinabi ko nalang kay James, at umalis narin ako nang tahimik
Napatingin ako sa likod ko habang naglalakad ako, nakita ko si James na talagang malungkot dahil wala na siyang kasama
Patuloy ko paring sinundan si Carly hanggang makarating na ako sa dorm namin, pumunta ako sa harap ng pintuan ni Carly, at kinatok ko ito
"Carly?" Sinabi kong tahimik habang kinakatok ko ang pinto
"Tulog na pala si Carly, tinanong ko siya kanina kung ayos lang siya, pero wala siyang kibo eh, ang mabuti pa, magpahinga ka na rin" Sabi sa akin ni Erika
"Ah, ganun ba, sige salamat, matutulog na rin ako, ikaw din" At nginitian ko siya bago ako pumasok sa kwarto ko
Matapos ang 30 mimutes, naligo muna ako bago ako matulog
"Grabe, 10:24 na ng gabi, nilalamig na ako" Sabay pinahinaan ang aircon
Inisip ko na, sobra na talaga ang mga nangyayari dito sa university na ito
Si Carly talaga ang sobrang naapektuhan sa pagkamatay ni Caitlyn, habang ako sinusubukan nalang kalimutan ang lahat
Basa pa ang buhok ko, pero humiga nalang ako, nagisip ulit ako, ayokong mamatay, kahit sa mga kaibigan ko sana walang mangyaring masama sa kanila
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...