37- Game 3(Whispered Fear)

3.3K 223 9
                                    

[Yin's POV]

"Nakita niyo ba yung sapatos ko? Kanina ko pa kasi hinahanap eh, nagswimming lang tayo ng saglit tapos gumala nawala na kaagad, saan naman napunta yun? Eh iniwan ko lang dito sa ilalim ng kama" Sabi ni Christian sa amin habang patuloy ang kaniyang paghahanap at sabay kamot ng kaniyang ulo, nandito lang kaming tatlo nila Kheo sa loob ng kwarto, hindi na kami lalabas pa kasi masyado ng mapanganib tatlong beses narin naming narinig ang pagtunog ng sirena kaya patuloy parin talaga ang pagpatay sa mga kasamahan namin

"Hay nako, ang mabuti pa ipagpabukas mo na ang paghahanap, nakita mong ang dilim dilim kasi walang mga ilaw tapos ngayon ka maghahanap? Bukas na mas maigi pa, bahala kayo diyan inaantok na ako kaya matutulog nalang ako" Sabi naman ni Kheo at humiga na ito sabay takip ng kumot sa buong katawan niya

"Oo nga, mas mabuti pang ipagpabukas mo nalang ang paghahanap, 9:30 na ng gabi oh? Ang mabuti pa ay magpahinga nalang tayo, alam kong unang araw palang natin dito ay pagod na pagod na kaagad tayo, sige na matulog na" Pagkasabi ko nun ay sumang-ayon naman si Christian at humiga narin siya sa sarili niyang higaan, habang ako naman pinipilit kong matulog kahit di pa ako inaantok, ilang minuto ang nakalipas at sa wakas nadatnan narin ako ng antok, bago ako matulog ay nanalangin muna ako at sinabi ko din na sana magkaroon ako ng magandang panaginip, hindi yung kagaya ng nangyayari sa amin ngayon at nakatulog na rin ako

-----

Nagising ako sa higaan ko, nakita ko ang buong paligid teka? Nasa school na ba ulit kami? Eto kasi ang higaan ko, bumangon ako sa aking kinahihigaan at naglakad palabas ng kwarto, oo, nandito na nga ulit kaming lahat pero bakit wala akong nakikitang mga tao? Kahit konting ingay man lang ay wala, naglibot-libot ako dito sa floor na ito kahit sa mga loob ng kwarto ay halos walang mga gamit, nasaan naman kaya yung mga yun?

Bumaba ako hanggang sa may nakita akong nakatalikod, parang pamilyar ang katawan nito hanggang sa napansin ko na si Yang! Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya, napaiyak pa ako ng makita kong ligtas ang kapatid ko nang malapit na ako sinigaw ko ang pangalan niya pero hindi siya lumingon, sasalubungin ko sana siya ng mahigpit na yakap ng biglang nanlaki nalang ang mga mata ko, nalagpasan ko lang siya, tumingin ako sa mukha niya, siya nga ito pero bakit hindi siya gumagalaw?

Sinusubukan ko siyang hawakan pero wala talaga, para lang siyang ilaw, oo isa nga lang siyang hologram napaupo nalang ako at halos mapaiyak muli

"Akala ko pa naman ligtas ka, akala ko isang masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari, ako nalang dapat sana ang namatay eh, hindi ikaw! Pinagsisisihan ko ang lahat dahil sa mga walang hiyang ginawa ko, ang bobo ko talaga hindi man lang kita naprotektahan, ako na ang pinaka walang kuwentang kuya na nakilala mo" Sinasabi ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha ko, gusto ko man siyang lapitan para yakapin pero di ko magawa dahil isa lang siyang hologram

Ilang minuto lang akong nakaupo, pinagmamasdan ang mukha ng kapatid ko hindi ko mapigilang maiyak oo masaya akong muli dahil nakita ko siya pero malungkot din ako kasi di ko siya nahahawakan at nakakausap, para lang akong timang dito sa aking pwesto kinakausap ko ang sarili ko

Para sa aking kapatid, gagawin ko ang lahat para lang makalabas ako dito sa university na ito, biglang nasira ang pagdadrama ko ng may biglang nagpatugtog ng nakapangingilabot na tugtog, isang kumakatang matanda na may pagkahalong tili tili mamaya ay biglang nasira ang tugtog at mas naging masakit sa tenga ang tugtog

Tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil sa ang sakit na sa tenga para bang sasabog na ang utak ko, maya-maya ay biglang lumakas ng lumakas ang tunog hanggang sa napasigaw nalang ako bigla, nawala ang tunog pero nakita rin na pati ang hologram ni Yang ay nawala rin, naging malungkot akong muli dahil sa nasaksihan, tumayo nalang ako at naglakad pabalik ng kwarto namin

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon