[Yang's POV]
Patuloy kaming naglalakad at sinusubukan ng kalimutan ang mga nangyari sa cafeteria
"Time check, 1:34 am" Sabi ni Yin
"Mamayang 7am dadating na pala yung mga bagong estudyante" Sagot naman ni Carly
Habang naglalakad kami ay bigla kong napansin na parang kulang ang grupo nila Katrina
"Kat, bakit parang kulang kayo? Oo nga! Bakit nawawala si Anthon?" Tanong ko naman
"Wala na rin po siya, pinatay din po siya ni kuya James" Sagot naman ni Daylin
"Ah sige, pasensya kung naistorbo ko kayo" Sagot ko nalang
"Ayos lang po yun" Sabi naman ni Katrina
Naghiwa hiwalay na kaming lahat ng makapunta kami sa floor ng dorm, pagod na pagod kaming lahat
Bago ako natulog, naisipan ko munang maligo, tinaggal ko lahat ng mga kumapit na dugo sa mukha at braso ko
Hihiga na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan ko, kaya binuksan ko ito at nakita ko na nasa labas ang kakambal ko na si Yin
"Oh? Ano pang ginagawa mo? Bakit di ka palang matulog, madaling araw na ah" Tanong ko sa kaniya
"Dito muna ako, di ako mapakali sa kwarto ko, wala akong makausap" Sagot naman nito
Pumayag nalang ako na papasukin siya, kaya imbes na matutulog na ako, nawala ulit ang antok ko dahil inistorbo niya ako
"So, pito nalang tayong natitira, sino pa kaya ang susunod na mamamatay" Tanong sa akin ni Yin
"Hay nako, alam mo kakatapos nga lang nating maligtas eh. Halos mamatay tayo kanina, kaya pagpahingahin mo muna sarili natin, wag mo nalang munang isipin yan sa ngayon" Sabi ko
Hanggang napaharap nalang ako sa kaniya, at nakahiga na siya sa higaan ko at sarap na sarap na siya sa tulog niya
"Bwisit talaga to, humanda to sa akin bukas" Sabi ko sa sarili ko ng pabulong
Wala narin akong magawa kundi tabihan nalang si Yin, total maluwang pa naman ang higaan kaya makakagalaw pa naman ako
------
4 na oras na ang nakalipas, nagising ako bigla pero parang may nakadagan sa akin, hindi ako makagalaw
"Ughh..." Sabi ko
Bigla akong humarap sa likuran ko, nakayakap sa akin si Yin at nakasampal pa sa akin
Nagulat ako ng bigla ko siyang tinulak at nahulog siya sa higaan
"Ano ba yan, kaya pala ang sikip!" Sagot ko ng pasigaw
"Hmmm.. Bakit mo naman ako hinulog" Sabay sabi niya at agad ulit bumalik sa higaan ko at natulog ulit
Tinignan ko ang oras at nakita ko na 5:50 am na, di na ako gaanong inaantok kahit madaling araw na akong natulog
Umalis ako sa kwarto ko at dumiretso sa park, medyo madilim pa at malamig kaya di ko gaanong makita ang daanan
Umupo ako sa bench at iniimagine ko nalang ang mga mangyayari mamaya
"May mga bago nanamang estudyante mamaya, dagdag kalaban" Sabi ko nalang ng biglang may narinig akong boses
"Eto ang parang round 2 battle natin" Tinignan ko sa kaliwa ko ng bigla kong nakita si Erika na papalapit
"Oh gising ka na rin pala" Sabi ko sa kanya
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...