25- Friendship

4.8K 225 7
                                    

[Sakura's POV]

"Uy tara, gusto mong sumabay sa amin? Kain tayo sa cafeteria" Anyaya sa akin ni Charlyn

"Ah, eh hindi na, busog pa ako eh, salamat nalang magimpake pa ako para sa camping bukas, pano ba yan mauna na muna ako ha" Paalam ko sa kanilang lahat at dumiretso na ako sa aking kwarto

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong tinungo ang higaan at huminga nang malalim, ilang minuto rin akong humiga bago ko naisipang ayusan ang mga gamit ko para bukas, lahat ng nakalabas kong gamit ay nilagay ko ulit sa bag

Nagdala ako ng limang damit, malay mo tatlong araw kami sa camping, dinala ko na rin ang iba kong kakailanganin, halos tumagal ako ng kalahating oras na nagimpake lang ng gamit

Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay sinubukan kong lumabas, nakita ko na may naglalakad na mga estudyante, nasa harapan lang ako ng pintuan nang bigla nila akong nadaanan at may narinig akong sinabi nila

"Uy look oh?! Yung weirdo!" Pangaapi nila sa akin, sabay tawa nila nang malakas kahit hindi ko sila pinapansin, ang ginawa ko nalang ay tinignan ko sila ng misteryosong tingin, saka sila natakot bigla sa akin at nagtakbuhan silang lahat papalayo

Matapos nun ay tumawa nalang ako, para na tuloy akong baliw na tumatawa nang mag-isa, nakita ko ang orasan, 3:32 na pala nang hapon, ang init-init pa, kahit umulan naman sana, sabi ko sa isip ko at biglang kumontra naman na may camping pala bukas, naku! Sana pala hindi umulan, para matuloy ang camping bukas

Narinig ko ang aking sikmura na tumunog bigla, nakaramdam narin ako ng konting gutom kaya naisipan ko na pumunta sa cafeteria para kumain, paalis palang ako nang bigla akong nasalubong ni Adhara

"Uy, new classmate, Adhara Ramos, sino ka na nga ba ulit?" Tanong sa akin habang inabot ang kaniyang kamay para makipag shake hands sa akin, sinabi ko naman ang pangalan ko nang walang kareareaksyon, at saka niya ako inanyaya pumunta sa cafeteria

"Actually doon din ako pupunta ngayon" Sagot ko kay Adhara, matapos nun ay sabay kaming naglakad, habang naglalakad naman kami ay nag-usap din kami tungkol sa buhay namin, masaya ding kasama si Adhara kaso napapansin ko lang na hindi ba siya naboboringan na kausapin ang isang weirdo na katulad ko, atleast kahit papano may kaibigan narin ako, survivor pa siya, nagkaroon naman ng konting ngiti sa aking mukha habang kausap ko si Adhara

"Hay maraming salamat naman at namatay na ang mga killers na yan, wala na ulit magpapatayan pa" Sabi sa akin ni Adhara at bigla siyang nagunat ng kanyang braso, feeling ko nagpapakasaya na agad si Adhara dahil wala nang pumapatay

"Wag mo munang sabihin yan, malay mo may mga nagtatago tago lang diyan, nagpapakainosente, hindi pa tapos ang laban, malay mo nalang malaman ko ikaw na ang pumapatay, o kaya naman eh ako, o kaya naman isa din sa mga kaklase natin, wag ka munang magpakasaya kasi maguumpisa nanaman ang laro" Sabi ko kay Adhara, napatingin nalang sa akin si Adhara at napalunok bigla

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong sa akin ni Adhara, habang kinakagat ang kuko niya, bago naman ako nagsalita ay tinanggal ko muna ang eyepatch ko, pinakita ko sa kaniya ang nabulag ko na mata, nakita ko sa mukha ni Adhara na natatakot na siya

"Habang patagal ng patagal, ang tangi mo nalang mapagkakatiwalaan ay ang sarili mo" Bulong ko sa kaniya, sabay inikot-ikot ang kaniyang ulo

"Ano ba yan, wag ka ngang magbiro nang ganyan, natatakot na ako" Sabi naman sa akin ni Adhara, napangiti nalang ako at sinabi ko sa kaniya na ituloy na namin ang paglalakad papunta sa cafeteria, nakita ko si Adhara na namumutla na, binalik ko ulit ang eyepatch sa bulag na mata ko, hindi na kami nagpansinan pa mula nang sinabi ko kay Adhara yun, hanggang sa makarating na kami sa cafeteria, bago pa man kami umupo sa upuan, may sinabi ulit ako kay Adhara

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon