10- One To Go

5.9K 252 2
                                    

[Erika's POV]

Nang nakarating kami sa loob nang cafeteria ay agad-agad kong ipinahiga si Eonne sa sofa at agad kong uumpisahan ang paggamot sa paa ni Eonne

Kumuha ako nang isang alcohol at binuhos ko ito nang dahan dahan sa paa ni Eonne sa may bandang sugat nito

Namimilipit sa sakit si Eonne at halos mamatay na sa kakaiyak ang bata, kumuha nalang ako nang isang panungkit na bagay at unti-unti kong sinukit ang bala na nakabaon sa binti nito

Hindi gaanong malalim ang bala kaya agad ko nalang itong nakuha at agad ko ulit tinakpan nang tela, wala na kaming ibang kagamitan sa paggagamot kaya wala na kaming magawa, nilagyan nalang namin nang tape ang maliit na pirasong tela

Habang patagal nang patagal ay nakatulog nadin si Eonne, nang biglang kumatok ang pintuan at agad nagsalita si Daylin nang pasigaw

Agad na binuksan ni Kat ang pintuan at nakita namin na basang basa sila Daylin

"Guys, mabuti naman at nakarating na kayo" Sabi ni Bea habang binibilang kung ilan silang magkakasama

"Teka, diba kasama niyo si Nico kanina lang?" Tanong ni Bea

"Wala na rin siya" Sabi naman ni Anthon

Lahat nalang ay napatahimik nang biglang sinabi ni Anthon yun, matapos nang mga pangyayari ay may tumawag sa walkie-talkie na hawak ko

"Si Carly ito, nahanap na namin kung nasaan ang principal's office, wala ang principal ngayon, bale tatlong araw daw siyang mawawala, mag-iingat kayo diyan, please lang, ang mga teachers ang killer, may mga dadalhin narin kaming libro mamaya at ipapakita sa inyo" At naputol na ang linya

"Sino yun?" Tanong sa akin ni Yang

"Si Carly, binabalaan na niya tayo" At bago ko sinabi ang mga dapat kong sabihin ay agad ko munang tinawag ang mga natitira pang estudyante

"Mga teachers ang killer, wala ang principal natin, kailangan nating magingat nang mabuti" Sabi ko naman

"Saan naman pumunta ang principal?" Tanong sa akin ni Yang

"Aba ewan ko, wala akong alam, ang dami na talagang nangyayari na di mo inaasahan" Sabi ko nalang habang nakakunot ang noo ko

-----

[Carly's POV]

Matapos kong makita ang sulat, ay agad kong tinawagan ang mga kaklase ko, at agad ko silang binalaan

Matapos niyan ay tinignan ko ang mga nakafolder na papel na nasa lamesahan din nang principal

Tinangka ko itong binasa at nagulat nalang ako bigla sa nakita ko, biodata naming lahat na estudyante, at tinignan ko isa isa ang mga ito

Wala akong matandaan na binigyan ko sila nang biodata ko, nagtaka nalang ako at nang makita ko ang biodata ni Chris ay biglang nanlaki ang mga mata ko

Nakita ni Jane ang reaksyon ko at agad akong tinanong

"Ano yang binabasa mo? Bakit parang nagulat ka naman" Tanong nito at inumpisahan ko nalang na basahin ang biodata

"Name: Chris Hernandez, Age: 19, Sex: Male, Siya ay isang soldier" At patuloy parin ang pagbabasa ko nang halos natakot ako sa mga nabasa

Nakita ko na criminal si Chris, marami na itong napatay pero hindi siya mahanap nang mga pulis

"Shit! Ano bang klaseng eskwelahan ito? Mali ang taong naimbita nila, magiimbita na nga lang sila, criminal pa, at marami na itong criminal records" Sabi ko at nagulat din si Jane sa mga narinig

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon