17- Disqualified

4.8K 237 1
                                    

[Ariana's POV]

Kakatapos ko lang kumain, dinalian ko nang kumain kasi pinapunta na kami sa gym, magpapakilala na daw ang bago naming teacher

Napansin ko lang, kami kami lang nila Erika at Ahran ang tao sa cafeteria ngayon, hindi ba parang ang awkward? Hindi ko pa nakakalahati ang tinapay na kinakain ko ay tumayo na agad ako at umalis na sa cafeteria

Pag labas ko ay may nakita akong estudyante at naglalakad sila, mukhang sa gym na rin pupunta tong mga to, matapos nun ay kinuha ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at kinuhanan ko sila ng litrato

"Ang ganda ng view" Sabi ko sa sarili ko matapos kong makuhanan ng litrato

Pinunta ko sa camera roll, at pinindot ko ang kakakuha ko lang na litrato, nang makita ko ang litrato ay agad akong kinilabutan, ang naaalala ko may apat na estudyante akong nakuhanan ng litrato, pero bakit ganun, walang tao ang nasa litrato

Binaba ko ang camera ko at tinignan ulit ang buong paligid, nawawala na ang mga estudyante, nag sign of the cross ako kasi baka nagpaparamdam ang mga namatay na estudyante dito, imbis na maglakad ako papuntang gym ay agad ko nalang itong tinakbo

Sa kakatakbo ko medyo nakaramdam ako ng konting pagod kaya naisipan ko munang maglakad nalang muna, patuloy ang paglalakad ko ng bigla akong napatigil kasi may naririnig akong naglalakad papalapit sa akin

Kinabahan ulit ako kaya naglakad ulit ako, hindi nalang ako lumilingon sa likuran ko, ang paglakad ko ay unti-unti nang naging pagtakbo, tumataas talaga lahat ng balahibo kasi hindi parin tumitigil ang paglakad

Konting apak pa maabutan ko na ang pintuan ng gym, binilisan ko na talaga ang pagtakbo hanggang sa mahawakan ko na ang pintuan at naitulak ko ito, pagkapasok ko ay gulo gulo na ang buhok ko at hingal na hingal ako, pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob ng gym, grabe nakakahiya ang ginawa ko

Napansin ko lang na nandito na silang lahat except kanila Erika at Ahran, isa din na napansin ko ay ako lang ang estudyante na wala pang kasama, mahiyain kasi ako

Tinignan ko ang orasan at nakita ko na 12:58 na, malapit na mag-1 ng biglang pumasok narin sila Erika at Ahran, nang biglang naganusiyo agad ang principal

"Sa wakas! Lahat na ng estudyante ko ay nandito na, bago ko ipapakilala ang bago niyong teacher ay gusto ko munang sabihin na may binili akong kwintas para sa inyong lahat, napadami nga ang mga binili ko eh kaya siguro may sobra pa na 15" Matapos nun ay sinabi niya na ang magiging bago naming teacher

"At ang pinakahihintay niyong lahat ay ang makilala ang bago niyong teacher, well eto na siya, maiwan ko muna kayo" Anunsiyo ng principal at matapos niyang sabihin yun ay may naglakad bigla sa harapan ng stage

Lalaki ito, matangkad, mapayat, parang kawayan?! Naririnig ko na nagbubulungan ang iba kong kaklase na ang gwapo daw niya, pero hindi naman totoo, kaya bago siya magsalita ay agad ko siyang kinuhanan ng litrato, kaya napatingin ito sa akin saka nagsalita

"Magandang tanghali sa inyong lahat, ako nga pala si Sir Adonis, di niyo na kailangang tanungin kung anong apilyedo ko, basta ang mahalaga ako ang magiging bagong teacher ninyong lahat" Sabi nito

"Paalala pala mga estudyante, hindi kayo mageexam mamayang hapon, gusto ko namang makapagpahinga din kayo kahit isang araw lang" Anunsiyo nito, sabay ang pag-alis ni Sir Adonis

Lahat kami ay umalis na nang gym na may dalang ngiti kasi walang exam mamaya, nagsasaya talaga ako kasi hindi pa ako nakakapagexam at wala pang nangyayaring masama sa akin

-----

[Killer's POV]

Nang nakalabas kami ay tiniyak ko munang wala nang natirang tao sa gym, talagang nagpahuli ako para sa planong ito, nilabas ko ang kutsilyo na nakabulsa sa bandang likuran ng pantalon ko

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon