50 - 마지막 부분

1K 107 14
                                    

[Yin's POV]

Mabigat na yapak ang naririnig namin  unti-unting lumalapit sa kinaroroonan namin, hindi namin makitang lahat kung sino ang paparating dahil sa alikabok na nilkha ng pagsabog

"Hindi.." Mangiyak iyak na sambit ni Carly

"Paano nangyari yun?" Naguguluhang tanong sa sarili ni Sakura

"Akala ko patay na siya" Pabulong naman ni Charlyn

Kahit ako ay hindi makapaniwala na makita si Ahran na papalapit sa aming lahat, pero kalahati ng katawan niya ay makina na, kaya pala nabanggit ni Dr. Zion kanina na "Hindi na siya maibabalik sa dati"

Nakakabinging katahimikan lang ang nangyari, nagtititigan ang dalawang magkapatid pero ni isa sa kanila ay walang umiimik, hanggang sa nakita naming may tumulong luha sa mata ni Ahran

Yumuko ako at huminga ng malalim, pagkabalik ko ng tingin kay Ahran ay tinutok niya sa aming magkakaklase ang kamay niyang machine, yun siguro ang ginawa ni Dr. Zion, ginawa na lamang niyang kalahating robot si Ahran para mapanatiling buhay ito

Nanlaki ang mga mata ko dahil biglang may lumabas na malaking cannon sa kamay ni Ahran at nakatutok pari  sa amin, binaba niya ito ng konti at agad niya itong pinasabog

Nasira ang floor kung saan kaming apat na magkakasama ay nakapwesto, nahulog kami sa pinakailalim at yun nalang ang huli kong maalala bago ako mawalan ng malay

-----

"Hmmmm" mahinang ungol ko

Ang sakit ng buong katawan ko, hindi ko maigalaw

Bumangon ako at nakita ko sa paligid na nasa basement kami, natanggal na rin ang mga katawan namin sa machine na upuan, pati yung mga collar namin ay nawala na

Kahit masakit ang buong katawan ko ay pinilit ko paring maglakad "Nasaan sila?" tanong ko sa sarili ko habang patuloy na naglalakad sa madilim na lugar ito habang hawak hawak ang kanang braso ko

"Bakit kaya ginawa ni Ahran kanina yun? Gusto niya ba kaming tulungan?" Magulong tanong ang tumatakbo sa isip ko na lalong nagbibigay lang ng sakit ko sa ulo

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may biglang humawak sa paa ko, madilim ang lugar, may narinig lang akong mahinang hagulhol

"Tu-tulong" Mahinang sambit nito at agad akong umupo, tinanggal ang mga batong nakaharang, nakita ko si Sakura na nakasalampak at dumudugo ang kanang binti dahil nadaganan ng bato

Agad akong naghanap ng tela na pwedeng pantakip sa sugat ni Sakura at tinulungan siyang makatayo

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya pero dahan dahan lang

"Wala ka bang ideya kung nasaan sila?" Tanong naman nito sa akin, umiling nalang ako bilang pagsagot at patuloy parin kami sa paglalakad, hindi parin namin makita kung saan napunta sina Carly at Charlyn

"Siguro.." Mahinang sinabi ni Sakura

"Siguro ano?" Nag-aalalang tanong ko naman

"Gusto kaya tayong tulungan ni Dr. Zion? Kaya ganun ang ginawa niya kay Ahran?" At tumingin siya sa akin, kahit ako ay hindi rin alam ang kasagutan

"Kaya ba binomba ni Ahran ang floor kanina para makatakas na tayo kay Kenneth?" May point si Sakura sa sinabi niya pero paano kami nakakasiguradong tinutulungan nga kami ni Ahran na tapusin ang larong ito? O baka naman nasa patibong nanaman nila kaming dalawang magkapatid dahil sa ginawa ni Ahran

Wala pa kami sa kalayuan na paglalakad ay may naaaninag kaming ilaw, nagmadali kaming pumunta kung saan nanggagaling ang ilaw na nakita namin at may narinig kaming pamilyar na boses

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon