[Adhara's POV]
Nagising ako at bigla akong napatingin sa orasan, 6:12 am na pala, ang tagal ko palang nakatulog kagabi ang aga ko lang kasing natulog
Bumangon ako at nagunat ng katawan, nang nanlaki nalang bigla ang mata ko dahil naninibago ako sa mga nakita, nakita ko na nasa loob ako ng library, hindi lang pala ako, kundi lahat kami
"Guys! Dito po ba tayo natulog sa library kagabi?" Tanong ko sa kanila, pero nakatulog parin silang lahat, ang nakita ko nalang na nakagising ay si Ate Carly
"Masama na ito, unti-unti nang nagtatagumpay ang salarin, kinulong niya na tayo ngayon dito sa loob ng library, malamang nagpausok siya nang sleeping gas kagabi kaya wala talaga tayong malay habang nililipat nila tayo sa loob ng library" Sabi nalang ni Ate Carly sa akin
Naglibot libot ako sa loob ng library, nang may parang naririnig akong magsasalita sa bandang likuran ng library, pinuntahan ko yun pero wala akong nakitang tao
Tumalikod ako at bigla ko ulit narinig ang nagsasalita, napaharap ulit ako, nang makita ko na isa lang palang walkie-talkie, kinuha ko ito at dahan dahan kong itinutok sa tenga ko
Naririnig ko na may nagtatawanan sa kabilang linya, gusto ko sanang magsalita pero natatakot ako, walang umanoy lumapit sa akin si Ate Carly
"May kausap ka ba diyan? May naririnig kasi akong nagtatawanan eh" Tanong sa akin ni Ate Carly
"Ate, wala po, baka itong walkie-talkie lang po ang naririnig niyo, may nagtatawanan po kasi sa kabilang linya" Sagot ko sa kaniya, at inabot ko ang walkie-talkie sa kamay ni Ate Carly
"Hello?" Matapang na salita ni Ate Carly sa kabilang linya, nawala bigla ang tawanan sa kabilang linya nang nagsalita si Ate Carly
"Hello? Sino ito?" Muling tanong ni Ate Carly, hanggang sa may nagsalita na sa kabilang linya
"Ohh, so si Carly pala ang naunang nakapulot ng walkie-talkie na iniwan ko sa library kagabi" Sabi ng nasa kabilang linya babae ang boses nito kaya malaki ang hinala ko na si Ate Ahran yun
"Ang boses na yun?! Ahran! You bitch! Ano nanaman ang balak mo ha?! Ang dami mo nang pinatay ha! Hindi ka pa ba nakuntento doon?! Tapos ngayon sinong isusunod mo? Kami! Napakawalang hiya mo talagang babae ka! Pakawalan mo kami dito!" Narinig kong pasigaw ni Ate Carly, kaya yung ibang nakatulog ay nakagising nalang bigla
"Hay nako Carly kahit anong sabihin mo, gusto ko lang namang makipaglaro sa inyo eh, wag kayong mag-alala kasi napakasimple lang naman ng rules, hindi nga kayo mahihirapan eh" Sagot nito sa kabilang linya at tumawa ulit
"Hindi kami nakikipaglaro sayo ha! Pakawalan mo nalang kami dito!" Sigaw ulit ni Ate Carly pero hindi ito pinakinggan ni Ate Ahran at ipinagpatuloy parin ang pagsasalita sa kabilang linya
"Gusto niyong makalabas diyan diba? Pwes ito ang mechanics ng game" Nang sinabi ni Ate Ahran yun ay namumuo na ang kaba sa akin, ang lakas narin ng tibok ng puso ko
"Ganito ang game, nakikita niyo ba ang mga armas na nasa may lamesahan? Ang gagawin niyo lang naman ay magpapatayan kayo diyan sa loob ng library, walo kayong nandiyan ngayon pero dapat may mamatay na tatlo sa loob ng isang oras, pag wala paring namamatay sa loob ng isang oras ay lahat kayo ay mamatay, sasabog lang naman ang buong library, pero pag may namatay nang tatlo sa inyo, mag o-automatic na magbubukas ang pintuan nang library, kaya goodluck nalang and godbless ang masasabi ko sa inyo" Sabay tawa nito at nawala na ang linya, ang ibig sabihin nun ay nagumpisa na ang oras ng pagpatayan
Naibato nalang ni Ate Carly ang walkie-talkie, medyo natakot din ako sa kaniya kasi ngayon ko lang talaga nakitang magalit si Ate Carly, pero sobrang bait din niya
BINABASA MO ANG
School 26 University
TerrorHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...
