15- Plastic

5.4K 250 2
                                    

[Katrina's POV]

Naku naman, pangatlong beses na kaming mag eexam mamaya, nakakainis naman, pati yung teacher nakakainis din, ang sungit sungit

Patuloy parin ang pagrarason ko nang biglang may kumatok sa pintuan, agad agad ko naman itong tinungo at pagkabukas ko ay nakita ko sila Daylin at Bea

"Oh bakit? May problema nanaman ba kayo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko

"Ahh wala naman, gusto ka lang sana naming bisitahin, alam mo na, may exam ulit mamaya" Sabi naman ni Daylin

Pinapasok ko silang dalawa sa kwarto ko at nagsimulang mag-usap usap

"Guys, kahit anong mangyari sa atin mamaya wala paring iwanan ha?" Sabi ni Daylin at hinawakan ang kamay naming dalawa ni Bea

"Oo naman no, magaling ata tayo pagdating sa exam, tignan mo nga lagi tayong ligtas" Sabi ko naman sa kanila sabay tawa

-----

Halos 30 minutes kaming nag-usap usap hanggang mapunta ang topic sa mga bagong estudyante

"Uy alam niyo? May bad feeling ako sa mga new students" Nagsalita bigla si Daylin

"Ako nga rin, nakikita ko nalang si ate Ahran ba yun? Basta, nakikita ko na laging ang sama nang tingin niya kahit kanino" Sabi naman ni Bea

"Ako naman nawiwirduhan ako kay Jainee, ewan ko kung bakit eh, pero sa bawat kilos niya, basta ang weird niya" Complain ko din

"Tsk! 1:19 na pala, ilang oras nalang andiyan nanaman yung pinakaayaw ko na parte ng araw" Sabi ni Bea habang nakataas ang isang kilay nito

"Napansin ko lang mukhang tae yung bagong teacher natin!" Sagot agad ni Daylin

"Hoy ano ka ba! Ang sama sama neto, mamaya may nakarinig pala sa iyong iba diyan" Sagot ko din sa kaniya

"Lalabas muna ako saglit, lalanghap lang naman ng sariwabg hangin sa park" Wika ni Bea at agad isinara ang pinto

"Ako din, magrereview pa akong mabuti ikaw di Kat! Galingan natin mamaya!" Sabi ni Daylin at lumabas narin ng kwarto

Habang ako naman ay humiga nalang at nagumpisang nag-isip, paano kaya kung isa sa aming magkakasama ang mawala nang tuluyan, ayoko pang mamatay, yan ang biglang pumasok sa utak ko habang nakahiga hanggang

-----

Lumabas ako sa kwarto ko at may parang naririnig akong tawa ng mga babae sa bandang hagdan pababa, pumunta naman ako doon kasi nacucurious ako kung anong meron

Unti-unti akong dumikit sa pader at dahan-dahan kong sinilip kung ano ang mga nangyayari, may nakita ako nakasuot ng teddy bear na costume, dalawa sila yung isa kulay pula, at yung isa naman kulay asul

Lumaki ang mga mata ko at finocus ko talaga sa kanila ang mga tingin ko, naguguluhan ako kung anong ginagawa nila, nang biglang naglakad ang isang tao at nakita ko na may nakaupong tao na parang patay na, hindi na kasi gumagalaw

Tinignan kong mabuti ang mukha nito, at biglang napatakip nalang ako sa bibig ko nang makita kong si Daylin yun, tahi-tahi ang mga mata nito kaya duguan ang buong mukha nito

Napaiyak nalang ako, at sadyang napalakas ang hikbi ko kaya biglang napatingin sa akin ang isang tao na yun, ay hindi, killer na pala kasi may dala din siyang gunting at malaking karayom at sinulid

Tumakbo na ako ng mabilis pero sa sobrang bilis ko natapilok ako at napatingin na lamang ako sa likod ko, andiyan na silang dalawa, Diyos ko ayoko pang mamatay, iligtas niyo po ako

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon