46- Death Mark

1.4K 212 20
                                    

 [Sakura's POV]



Mabilis kaming nakatakbo palabas sa building kung saan kami galing, hinanap namin ang daan papunta sa cafeteria kahit sobrang dilim ng dinadaanan namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko kanina, hindi ko alam kung bakit tatlong Kenneth ang nakita naming lahat



Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami sa cafeteria na ligtas, agad namin sinarado lahat ng mga pintuan o kahit anong butas na pwedeng mapasukan ni Kenneth, tiniyak naming lock na lahat ng pintuan at pati bintana ay hinarangan namin ng kahoy para walang makakita sa amin dito sa loob



Agad kumuha ng tela si Kheo at binigay ito kay Yeka para magamot ang sugat ni Vanessa, nakitang kong ang lalim ng pagkakasugat sa kanya nito. Sila ay busy sa kanilang mga ginagawa habang ako naman ay nag-iisip ng paraan kung paano namin mapapatumba ang tatlong Kenneth na nakita namin



"Sakura ayos ka lang ba? Gusto mo ng maiinom?" Nagaalalang tanong sa akin ni Nicole, nag thumbs up lang ako bilang pag sang-ayon sa kanya "Sige maiwan muna kita at kukunan ko kayo ng maiinom" Paalam naman nito at saka umalis



Tatlong Kenneth. Hindi kaya gumamit siya ng ibang katawan ng tao para magpanggap yung dalawang Kenneth? Habang patuloy lang akong nag-iisip ay bigla kaming tinawag ni Carly at may ikwekwento daw siya



"Alam niyo, alam ko na kung bakit talaga ginagawa sa atin ni Kenneth to" Seryosong pagkasabi nito na ikinagulat ng iba, wala na akong reaksyon dito dahil alam ko na kung bakit talaga



"Huh? Bakit?" Takang tanong naman ni Kheo, huminga ng malalim si Carly at ikwinento ang buong pangyayari



-----



"Kayo ang sinisisi niya kung bakit siya naghihiganti? Bakit kailangan niya pang mandamay ng iba, eh hindi naman tayo ang may kasalanan kung bakit namatay ang ate niya?" Sabi naman ni Yeka



"Hindi ko talaga alam kung bakit niya pa kailangan gawin ang mga bagay na ganito sa atin, dahil ba hindi lang namin natulungan si Ahran nung humihingi siya ng tulong? Hindi ba niya inisip na wala kaming kalaban laban sa mga pumapatay sa amin nung panahon na yun" Sabi naman ni Carly at yumuko nalang, napatingin ako sa isang lamesa na nasa likuran namin ewan ko pero parang may nagsasabing bantayan ko lang, hindi ko nalang ito pinansin at binalik ang atensyon sa mga kasama ko



"Kung sakali man na hindi na tayo aabot bukas, gusto ko lang sabihin sa inyo na maraming salamat at nagkakilala tayo. Wala na talaga eh, kahit anong gawin natin sinusundan parin tayo ng kamatayan, alam niyo yung tipong pinapatagal lang natin yung panahon na nabubuhay tayo dito sa loob ng university, iniisa-isa lang tayo eh. Hindi ko nga alam kung makakalabas ako dito, miss ko na sila mama at papa pati narin ang kapatid ko" Mahabang pagsasalita naman ni Kheo



Sila Vanessa at Yeka naman ay umiiyak na dahil sa mga sinabi ni Kheo, ilang saglit lang ay napalingon ulit ako sa lamesang nasa likuran namin at ngayon nagulat ako dahil may walo na stick man ang nakalagay doon. Kinuha ko ang mga 'to at tinanong sa kanila kung sino may ari ng mga 'to



"Kanino 'tong mga 'to?" Sabay taas ang hawak kong mga stick man, nagkibit balikat ang iba at yung iba naman ay lumapit sa akin



"Saan mo nakuha yan?" Tanong naman sa akin ni Nicole "Nakita ko to sa lamesa sa likuran natin kanina, wala lang ito doon kanina pero nung pangalawang silip ko meron na hindi ba ikaw ang naglagay nito doon?" Pagtatanong ko naman "Hindi ako, tignan mo nga oh halatang luma na dahil sa kulay nung stick" Sagot naman nito



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon