[Charlyn's POV]
Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa gusto ipagawa sa amin ni Kenneth, ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makita ang mga magulang ko. Tanging hagulhol nalang ang naririnig ko dito sa loob ng madilim na kwarto, patuloy parin ang pag-iyak ko nang biglang nagsalita si Kenneth na lalo kong ikinatakot
"At dahil ikaw ang iyak ng iyak. Mas magandang ikaw na ang mauna sa mga ipapagawa ko. Ayaw mo yun? Kung matatapos mo ito hindi ka na kakabahan pa?" Sabi nito habang tumatawa. Tinakpan ko nalang ang mga tainga ko para 'di ko marinig ang mga pagtawa niya
"Simple lang naman ang ipapagawa ko sa'yo eh, nakikita mo ba yung mga bungo diyan sa isang lamesa?" Tanong nito sabay lingon ko sa tabi ko at may lumabas na isang lamesang punong-puno ng mga bungo. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon
"Kung marunong ka naman sa larong tinatawag na "Basketball" ay kaya mo 'tong lagpasan. Kailangan mo lang naman mai-shoot ang mga bungo na yan sa loob ng bangang nasa harapan mo. Iba ang basketball na ito, hindi ka pwedeng tumayo sa kinauupuan mo habang nagshoo-shoot, at eto ang masaya kailangan mong makashoot ng 30 na bungo sa loob ng dalawang minuto dahil ang dalawang minuto na yun ay kasabay ng bombang nasa tiyan mo. Kung 'di mo yun magagawa mamamatay ka, pero pag nagawa mo kusang magdedeactivate ang bombang nasa tiyan mo at maaalis yan. Umpisahan na natin" Sabu ni Kenneth sa akin, hindi pa ako handa pero agad nang tumunog ang buzzer hudyat na nag-umpisa na ang timer
Wala na lang akong ginawa kundi maghagis ng mga bungo, medyo malayo ang banga kaya nahihirapan ako sa paghagis, isa pa madilim ang lugar kaya nahihirapan akong makakita, hindi rin ako pwedeng tumayo habang ginagawa ko ito kundi mamamatay ako
Pinagpatuloy ko lang ang paghagis ng mga bungo hanggang sa isang minuto nalang ang natitira sa oras
"Tae naman, hindi ko makita kung ilan na yung score ko" Sabi ko nalang sa sarili ko. Binilisan ko nalang ang pagtapon hanggang sa biglang tumigil ang timer ng bomba at kusa itong naalis sa tiyanan ko. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagawa ko ang unang challenge
Ilang segundo ang nakalipas ay may narinig akong pagsabog. Kinabahan naman ako kung saan nanggaling ang pagsabog na yun
"Charlyn, hindi lang ikaw ang gumawa ng challenge na yun. Lima kayong lahat, at sa limang yun ay apat lang kayo ang nakatapos. Narinig mo naman siguro ang pagsabog diba? Gusto mo bang malaman kung sino yun?" Sabi ni Kenneth sa akin, umagos nanaman ang luha ko. Hindi ko alam kung sino yung namatay na yun
"S-sino pa ba ang m-mga kasama kong gumawa ng challenge?" Takot na tanong ko kag Kenneth at agad naman itong tumawa
"Ikaw, Carly, Yeka, Vanessa at Jeane. Sa tingin mo? Sino sa kanila ang namatay?" Sarkastikong tanong nito sa akin, iyak nalang ako ng iyak dahil halos lahat sila ay napalapit na sa akin. Namamaga na siguro ang mga mata ko kakaiyak
"Huwag ka namang umiyak diyan. Alam mo namang ayaw na ayaw ko sa umiiyak, baka mapilitan kitang patayin ng tuluyan" Pagkabanggit ni Kenneth nun ay agad na akong tumigil sa pag-iyak, pero may mga hikbi parin akong nagagaaa
BINABASA MO ANG
School 26 University
HorreurHighest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one story, many students. Will you accept the challenge when your life is the bet? One principal, many suff...