26- The Camping

4.2K 214 6
                                    

[Yin's POV]

Nakita namin na lumabas ang mga guro sa bus at nagsalita si Ms. Salva

"Goodmorning students! Kami ni Mr. Corpuz ang makakasama niyo sa inyong camping, may mga activity tayong gagawin doon kaya dapat makicooperate ang lahat, may cabin din tayo doon na pagtutulugan in case of emergency gaya ng pagulan, sa ngayon may isa pa kayong kaklase na bago, at ipapakilala namin siya ngayon, Yeka! Halika na dito at magpakilala ka" Sabi ni Ms. Salva, ilang saglit naman at lumabas na nga ang baging estudyante sa bus

"Goodmorning guys, I'm Edsaniel Nhizeka Kurinth Guillermo, or you can call me Yeka for short, 14 years old, hindi gaanong halata sa akin kasi matangkad ako, sana maging magkakaibigan tayong lahat" Pagpapakilala niya at nakita ko ang iba kong bagong kaklase ay para bang ang sama ng tingin nila sa bago naming kasama

"Ngayon at nakilala niyo na siya, isa-isa na kayong pumasok sa ating bus at para makaalis na tayo" Pagkasabi ni Ms. Salva yun ay pumila na kaming lahat, nakita ko ang bintana ng bus na nakatakip ng itim na cartolina, grabe, hindi ba nila kami payagan na makita naman ang mundong labas? Super torture, sabi ko sa isip ko bago ako nakapasok sa bus

Nakumpleto na kami sa loob nang bus, katabi ko naman si Carly, at kami ang nasa harapan, umandar na rin ang bus na sinasakyan namin, at naganunsiyo naman si Ms. Salva

"On the way na tayo students, sino ang may mga kwintas na suot diyan? Be sure na kahit nasa labas kayo ng campus ay wag niyong tatanggalin yan, o kaya naman wag niyong sisirain ang school rules, pag ginawa niyo yun, alam niyo na ang mangyayari, ayoko namang mapahamak kayo, gusto rin namin ni Sir niyo Corpuz na marami din kayong matututunan" Sabi ni Ms. Salva atsaka naman umupo na

Ayoko munang magsalita ngayon, atsaka ang aga-aga pa, mah time pa naman siguro akong matulog habang nandito palang kami sa daan, yan ang iniisip ko at sa isang iglap ay nakatulog na ako nang mahimbing, hindi ko inaasahan na malamig pala dito sa loob ng bus, airconditioned nga pero iba ang bus na ito ikumpara ko sa mga five star, victory liner, genesis, Philippine rabbit, para ba talagang nasa Alaska o Canada sa sobrang lamig, di pa naman ako nakapagdala ng sweater

Nagising ako, dahil may kumakalabit sa akin, nakita ko ang mukha ni Carly nang pagkamulat ko, ginigising niya ako, nakita ko rin na nakahiga na ako sa balikat niya

"Uy gising na, nandito na tayo" Sabi nito sa akin atsaka naman bumangon na ako, nakita ko ang oras, 7 na nang umaga, halos magdadalawang oras pala kaming nagbiyahe, tumayo na ako sa kinauupuan ko at nang pagkababa ko ay nakita ko na nasa isang malaking gubat nga kami, di ako pamilyar sa lugar na ito, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar sa buong buhay ko, nakita ko na may mga cabins, ang daming dahon na nakakalat sa paligid, nakatayo kaming lahat ngayon sa harapan ni Ms. Salva at Mr. Corpuz

"Ok students! Dito ngayon sa kinatatayuan natin ay ang pagpwepwestuhan ng mga tents ninyo, tulong-tulong tayong maglilinis, dapat bago pa dumating ang tanghali ay nakalinis na tayo at nakapagpatayo na rin tayo ng tents" Anunsiyo sa aming lahat ni Ms. Salva

"Excuse po?! Kanina pa ako naguguluhan, wala naman po tayong dalang mga tents? Ni isa po, atsaka wala ding binaggit ang principal about tents, saan po tayo ngayon kukuha nang tents?" Sarkastikong sinabi ni Jeniffer kay Ms. Salva, naisipan ko na medyo nakakabastos ang pagsasalita niya sa harapan ng teachers kaya naman nakita ko rin na siniko siya ni Ann ng mahina, saka naman tinignan ni Jeniffer ng masama si Ann

"Oo nga noh? Nakalimutan ko, buti naman pala at pinaalala mo, pagpasensiyahan mo na ha?! Nauulyanin na kasi si Ms. Salva, ang mga tents nga po pala ay nasa loob ng mga cabins, ang galing mo talaga bilib na ako" Sarkastiko ding sinabi ni Ms. Salva atsaka lumuhod sa harapan ni Jeniffer, tumawa ang lahat ng mga estudyante, alam kong napahiya sa harap ng maraming tao si Jeniffer, nakikita ko palang sa mukha niya na nakasimangot

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon