36- Game 2(Vertigo)

2.6K 218 15
                                    

[Nicole's POV]

Time check, 6:59 na kakatapos ko lang ding marinig ang anunsiyo ng owner nitong resort, nakaupo naman ako ngayon sa isang bench na malapit dito sa pool habang hawak-hawak ko ang aking katana, inisip ko na tatagal pa kaya ako dito? Magiging confident pa ba ako na makakalabas dito? Hindi ko naman masasabi yun eh, hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay, kung oras ko na tatanggapin ko naman yun, biglang napatigil ang pag-iisip ko ng biglang namatay na lahat ng ilaw, ang dilim na ng buong paligid ang tanging nakikita ko nalang ay ang liwanag ng buwan at ng mga bituin, naging seryoso bigla ang aking mukha nang may marinig akong naglalakad papalapit sa akin, hinawakan ko kaagad ang katana ko at agad akong humarap sa likuran ko at itinutok ang aking katana, nakita ko si Rain nakataas ang kaniyang mga kamay

"Wuuy!! Ano ba yan, wala naman akong masamang balak eh, gusto ko lang din sanang mapag-isa ngayon" Paliwanag nito sa akin, at ibinaba ko naman ang hawak ko na katana, huminga naman ako ng maluwag at bumalik sa dati kong puwesto, umupo rin sa tabi ko si Rain, inisip ko na akala ko ba gusto nitong mapag-isa? Eh bakit tatabi-tabi siya ngayon? Sabi ko nalang sa isip ko at napangiti nalang ako bigla

"Oh? Akala ko ba gusto mong mapag-isa? Eh bat ka tatabi tabi ngayon?" Tanong ko sa kaniya, siya naman ay nagkakamot ng ulo

"Wala lang, nakita kita eh, kaya tumabi nalang ako para di naman gaanong boring, wala na ngang kailaw-ilaw tapos wala ka pang kausap, para lang tuloy akong inaamag" Paliwanag nito sabay inayos ang kaniyang buhok, patawa-tawa pa niyang sinabi, wala namang nakakatawa ah, tinanong ko lang kung bakit siya tumabi, ang tagal din naming nag-usap ni Rain, pagkatingin ko sa orasan, 7:32 na pala, wow edi halos 30 minutes na pala kaming nag-uusap eh, magsasalita palang sana ako ng biglang may nag-anunsiyo

"Good Evening! Ako ito ang matalino niyong kalaban, nalaman ko na umalis na ang may ari nitong resort kaya sa ngayon ako muna ang magbabantay sa inyo, gusto ko lang sanang makipaglaro, isa din ako sa mga kaklase niyo isa din ako sa mga pumapatay, simple lang ang aking laro, sa loob ng labing dalawang oras, kailangan niyong mahanap kung sino ang isa ko pang kasabwat at siyempre kailangan niyo rin siyang patayin, ang pangit naman kung walang mga dugo diba? Pag hindi kayo nagtagumpay sa paghahanap magpapatuloy ang mga pagkamatay ng mga kaklase natin, kaya paganahin ang kokote, let the game starts at isa pa pala! Ngayon ay nasa cctv room din ako, napapanood ko kayong lahat, I got my eyes on you, all of you at every may mamamatay kayong kaklase ay may tutunog na siren para malaman niyo kung ilan na ang namatay, again let the game starts!" Sabay ng malakas na tawa, hindi namin malaman kung sino ang nagsasalita kasi masyadong mataas ang pitch kaya nagboboses chipmunks ito, kakausapin ko palang sana si Rain ng bigla akong tumalikod ay wala na siya, saan naman kaya nagpunta yung lalaking yun?

Nagumpisa na akong matensyon, maglalakad palang sana ako ng may biglang umihip din na malamig na hangin, unti-unti na akong kinikilabutan sa mga nangyayari, hinawakan ko ng mabuti ang aking katana dapat maging alerto ako, nang mag-umpisa na akong maglakad ay biglang may narinig akong dalawang sabay na putok ng baril, agad naman akong napatigil sa narinig, halos wala akong makita sa daan kasi madilim, narinig ko naman bigla na may tumunog na siren, ibig sabihin nun may namatay na kaagad, biglang may sumunod pang isang putok ng baril, narinig ko nasa bandang kaliwa ko lang yun

Kaya naman pinuntahan ko kung saan nanggagaling ang putok ng baril, dahan-dahan ko itong pinuntahan at may narinig akong mga nagsisitakbuhan sa gawing kanan ko naman, hindi ko sila maaninag pero hindi ko nalang ito pinansin, dumiretso parin ako kung saan ako dapat pununta, may naamoy na akong masangsang na amoy, kaya ang ibig sabihin nun malapit na ako sa bangkay ng namatay naming kaklase, sino kaya ang namatay na yun? Patuloy ako sa paglalakad ng may bigla akong naapakan na para bang matigas na bagay, pagkatingin ko, tinignan ko talaga itong mabuti hanggang sa mapatakip nalang ako ng bibig ng makita ko ang bangkay ni Eve na duguan at wala ng buhay

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon