24- New Beginning

4.8K 236 13
                                    

[Yin's POV]

Nagulat ako nang sinabi ng principal na magkakaroon kami ng camping, himala ata sabtagal namin dito ngayon lang magkakaroon ng school activity, tinignan ko ang oras 5 na pala

"Hay nako, matatapos nanaman ang araw na ito, excited narin ako para sa camping" Sabi ko habang kaharap ko sila Carly at Adhara

"Tara muna sa cafeteria, tambay muna tayo doon o kaya kain na tayo" Anyaya sa amin ni Carly

"Oo nga pala ate, diba may kuneho ka dati? Nasaan na pala yun?" Tanong ni Adhara kay Carly

"Oo nga pala ano, sakto papunta naman tayo ng cafeteria, mahahanap natin yung rabbit" Sagot naman ni Carly atsaka nagumpisa na kaming naglakad papunta ng cafeteria

Habang naglalakad kami sabi ko nalang sa isip ko na, hay nako, haggang kailang niyo ba hahanapin yang rabbit na yan, kung namatay na yan edi sayang lang ang effort niyong naghanap

Patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa nakita ko na yung mga bagong estudyante na sabay-sabay ding pumasok sa cafeteria, di ko nga lang masyadong matandaan yung mga pangalan nila kasi masyado silang maraming nagpakilala kanina

Pagkapasok namin sa cafeteria ay inumpisahan na nilang hanapin ang rabbit, habang ako naman ay umupo lang, napagdesisyunan ko na bago ako umupo ay kumuha muna ako ng makakain 

Makalipas ang ilang minuto ay naubos ko na ang kinakaian ko, sabay namang bumalik sila Carly sa inuupuan ko saka ko tinanong si Carly

"Ano? Nahanap mo ba yung hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya

"Hindi eh, hayaan ko na yun" Sagot naman niya sa akin

"Ayan kasi, nagaaksaya lang kayo ng oras, tignan niyo nga kung anong oras na 6:23 na ng gabi" Sabi ko sabay turo sa orasan, umupo nalang sila at kumuha narin ng makakain para sa pang-gabihan nila

Ilang minuto rin ang nakalipas bago nila maubos ang kinakain nila, matapos nun ay lumabas na kaming sabay-sabay sa cafeteria, naiwan naman sa loob yung mga ibang estudyante 

"New beginning nga talaga, ang rami nanaman natin nakakabagot na, ayoko nang mag-stay dito" Sabi ni Carly habang tinatali ang buhok niya, patuloy parin kaming naglalakad nang biglang naganunsiyo ang principal

"Magandang gabi sa inyong lahat! Bukas ng 7 ay pumunta kayong lahat sa gym, magkakaroon kayo ng challenge, ang lowest na kalahati sa inyong lahat na estudyante ay magkakaroon ng regalo na galing sa akin, siguraduhin niyong galingan niyo sa challenge para di niyo makuha ang aking regalo" Anunsiyo ng principal

Kinabaha naman ako, nacurious din ako sa sinabi niya, ano naman kayang klaseng regalo ang ibibigay ni principal? Di ko nalang ulit pinansin yun at nagpatuloy na ulit sa paglalakad

Ilang saglit nalang ay nagpaalam na sila Carly at Adhara sa akin, magpapahinga na daw sila kahit 7 pa lang ng gabi, wala nalang akong magawa, ayoko naman silang istorbohin para lang makipagusap sa kanila

Matapos nun ay pumasok na rin ako sa sarili kong kwarto, naisipan kong maligo muna bago matulog, namiss ko na agad ang kapatid ko kahit wala na siya, naalala ko pa yung mga kulitan namin at masasaya naming alaala

Napansin ko nalang na biglang umagos ang luha ko sa pisngi ko, agad ko naman yung pinunasan atsaka kumuha na ng damit sa bag ko, matapos nun ay dumiretso na ako sa banyo para maligo

-----

[Charlyn's POV]

Nakita ko na lumabas sa cafeteria yung mga tatlong survivors, samantalang kaming magkakaibigan naman na bagong kakilala ay patuloy paring naguusap sa iisang lamesahan

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon