35- Game 1(Don't Trust Anyone)

3.3K 237 12
                                        

[Vanessa's POV]

Well, kadiri talaga ang nangyari kanina, halos hindi mo maipaliwanag kung paano pinatay si Camille, nandito kami ngayong lahat nakatayo sa harap ng swimming pool at hanggang ngayon hindi parin ako nagbabanlaw kasi nga may nangyari nanaman kaya chismis muna bago banlaw, mabuti nga at hindi nagalit ang may-ari ng resort dahil sa nangyaring pagpatay, sino naman kaya ang gumawa nun? At isa pa sino si Amanda? Siya nalang lagi ang na-iissue dito wah?

Ilang minuto ang nakalipas at nagumpisa na kaming magbanlaw, kaming mga magkakasama, may isa pang pair ng comfort room na nasa likuran ng pool kaya yun nalang ang ginamit namin para pag-liguan, ilang minuto din ang lumipas bago kami matapos lahat, inanunsiyo naman ng may ari ng resort na wala naman daw ibang nasaktan sa nangyaring insidente at napatunayan nilang si Camille nga ang namatay

Sabay-sabay kaming naglakad ng mga kasamahan ko pabalik sa aming dorm, magtatanghali narin ng makabalik kami sa aming dorm, nagyaya naman sila Charlyn at Jeirahlyn na kumaim na ng pananghalian hindi ko naman tinanggihan yun kasi gutom narin naman ako, nasabi din nila na magkita-kita nalang daw kami nila Christian sa pinakamalapit na pagbilihan ng mga pagkain dito sa resort

-----

Nandito na kami ngayon sa isang maliit na kainan, naunang dumating dito sila Christian at Kheo, nakita ko rin na nandito sila Kenneth at Bon kaso may sarili din silang mundo, hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula na kaming mag-order ng aming makakain, tanging fried chicken at tinolang manok lang ang nakalagay sa menu, ang cheap naman sabi ko sa isip ko pero kahit cheap nag-order nalang din ako ng fried chicken, sayang naman kung hindi ako kakain libre pa naman ito, matapos kong makuha ang aking order ay naghanap na kami ng mauupuan

Sarap na sarap kami sa kinakain namin, grabe kahit fried chicken lang na simple to para naring kasing sarap ng Jollibee at KFC, sabi ko sa isip ko, gusto ko pa sanang kumuha kaso nakakahiya na, ilang minuto ang nakalipas nakaramdam kaming lahat ng pagkauhaw, nagtanong kami sa nagbebenta kung may tubig man lang sila pero wala daw, ay grabe ha gusto ata kaming painumin sa swimming pool eh, matapos kaming makakain lahat ay umalis na kami para maghanap ng pwedeng mainuman, patuloy ang paglalakad namin at biglang sumigaw si Jeirahlyn

"Waah! Nakakita na rin ako sa wakas ng maiinom natin!" Tumatalon-talon na sinabi ni Jeirahlyn habang tinuturo ang drum na punong-puno ng tubig, nilapitan ko ito, teka? Hindi naman pala tubig eh, baka red-iced tea? Ayun eh, sa wakas, may mga nakalagay naring baso at yelo sa tabi ng drum, dahil sa uhaw, halos nag-unahan kaming kumuha ng aming maiinom

"Pwee! Ano ba yan! Hindi naman pala strawberry juice!"

"Ano ba yan! Lasang kalawang!"

"Yuck! Akala ko red-iced tea!" Kaniya-kaniyang reklamo ang narinig ko, hindi nga siya juice, lasang kalawang na hindi maipaliwanag, nagpasiya sila na sa faucet nalang kami kumuha ng tubig kahit nawasa na, wala kaming magagawa uhaw na uhaw na kami eh, patulot kaming naglakad pero sumigaw ulit si Jeirahlyn, at parang mas masigla pa siya ngayon

"Oyyyy!!! Eto may nahanap na talaga ako!" Nakita namin na tinuturo nito ang vending machine, wait.. Hindi naman vending machine kasi walang 'Insert coin', refregirator naman pala na punong-puno ng softdrinks, nung makita ko yun yung itsura ko para bang naging singkit na mamon sabay sabing FREEDOM sa isip ko, at nag-unahan na kami sa pagkuha ng aming maiinom

-----

[Killer's POV]

Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko kay Camille kaya naman magpapatay ulit ako, hayaan mo Ate Amanda, malapit na rin at mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay mo, tumatawa akong mag-isa habang kausap ang sarili ko, para na akong nababaliw habang hawak-hawak ko ang kutsilyo

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon