18- Real Game Starts

4.7K 237 16
                                    

[Daylin's POV]

Naglalakad kami nila Katrina at Bea, pababa kami, napagisipan namin na pumasyal muna sa may park, feeling ko nga kami nalang ang magkakaibigan dito na may tiwala sa sarili

Nang nasa hagdan na kami ay nakasalubong namin si Erika na paakyat naman siya, di nalang namin siya pinansin

Patuloy ang paglalakad namin, hanggang sa may naamoy akong parang nabubulok, parang patay na daga

"Guys naamoy niyo ba yun?" Pagkatingin ko kanila Bea at Katrina ay nakatakip na din pala sila ng ilong nila

Sinundan namin ang amoy, palakas ng palakas at saka namin narealize na sa may bandang park ang nanggagaling ang mabahong amoy

Di kami makapaniwala sa nakita, napatakip nalang ako ng bibig ko habang pinagmamasdan si Patricia na nakahandusay sa sahig, wala na siyang buhay

Inikot ni Katrina ang katawan nito para makita namin ang mukha nito, napaatras nalang bigla si Katrina at napaupo nang makita namin na butas ang lalamunan ni Patricia, umuusok pa nga ang leeg nito

Nagulat talaga kaming lahat, nakikita ko sa mga mukha naming tatlo na namumuo ang takot

"Sino nanaman kayang may gawa nito? Naguumpisa nanaman ang patayan dito eh" Nagsalita bigla si Bea

"Lahat ng estudyante, pumunta kayong lahat sa park ngayon na, may natagpuang bangkay" Anunsiyo ng principal namin

Matapos ang ilang minuto ay nagsisidatingan na lahat ng estudyante, nakita namin sila Aubrey at Adhara na umiiyak dahil sa nakita nilang wala na si Patricia

Kinausap namin sila Adhara at Aubrey oara tanungin kung ano ba talaga ang nangyari, nilapitan namin sila at patuloy parin ang pagluha nila

"Dhara, ano ba ang nangyari? Bakit nangyari kay Patricia ito?" Mahinahong tanong ni Katrina

"Nagaway kasi kami kanina, kaya feeling ko kaming dalawa ang may kasalanan kung bakit na siya nawala ng tuluyan" Sagot nito sa amin

"Wag niyong sisihin ang mga sarili niyo, wala kayong kasalanan sa pagkamatay ni Patricia" Sabi naman ni Bea

Tinignan ko lahat ng estudyante, nakita ko si Ate Ahran na nakatakio nalang ang ilong niya, si Ate Erika naman ay napaupo nalang at parang namromroblema, si Kuya Yang naman ay nakatayo lang hinahawakan niya ang baba niya kaya naisip ko na pinagiisipan din niya kung ano ang nga nangyari

Si Ariana naman ay kinukuhanan niya ng picture ang mga pangyayari, si Kuya Yin naman ay kausap niya si Ate Carly na may hawak na rabbit

Bumabalik nanaman ang nangyari sa amin dati, ayoko na sanang may mamatay pa kaso nararamdaman ko na bumabalik nanaman

Anong oras na, 4:32 na nang hapon, mag gagabi nanaman, matatapos nanaman ang araw na ito, bukas may exam nanaman, ang dami dami talagang problema sa school na ito

Makalipas ulit ang ilang minuto ay napagisipan na namin na umalis na sa lugar na iyo, nagyaya si Bea na pumunta na kami ng cafereria para kumain na ng pang-gabihan daw, pero ang aga pa naman

Naglakad na kami paalis ng park at saka nakita ko pa na naiwan sila Adhara at Aubrey, sila talagang dalawa ang nasaktan sa pangyayari

-----

[Killer's POV]

"Heto nanaman ako, maguumpisa nanaman akong magpapatay, ngayon wala nang kawala-kawala pa, wala nang 2nd chance, basta pag mamamatay na, patay na" Yan ang sabi ko habang kaharap ko din ang isang killer

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon