19- Verification

4.7K 222 27
                                    

[Yang's POV]

Matapos naming makita ang mga bangkay nila Patricia, Ariana at Erika parang naguumpisa na ang totoong laban

Siyam nalang kaming naiiwan, patindi na nang patindi ang laban, buti nga talaga at ligtas parin kaming dalawa ng kambal ko, sana wala nang masamang mangyari pa, wala na sanang sumunod

Patuloy na kaming naglalakad, nakita ko ang oras, 6:21 na pala, hindi ko namalayan ang bilis ng oras, siguro dahil sa sobrang pagod, at sa sobrang daming nangyari ngayon

"Ok so 22 tayong lahat sa first batch, 6 naman sa second batch pag pimagsama yun ay 28 students na tayong lahat" Sabi ko kay Yin kasi siya ang kasama ko

"Oo nga eh 19 down 9 to go" Sagot naman ni Yin kaya tinulak ko siya

"Grabe, nagloloko lang naman ako" Paliwanag naman nito

"Loko ka talaga, nagawa mo pang magbiro sa sitwasyon na to" Sagot ko nalang sa kaniya at patuloy na ang paglalakad namin

Naghiwalay kami ng landas ni Yin ako papunta sa kwarto ko siya naman ewan ko kung saan pupunta yun basta ako magpapahinga lang ako saglit tapos siguro mamaya after 30 minutes pupunta ako ng cafeteria para kumuha nang maiinom

Nagsawa na talaga ako sa maiinom dito, wala man lang mineral water, kape o kahit na ano, torture talaga ang school na ito, yan ang tumakbo sa isip ko nang pumasok na ako sa kwarto ko

Humiga ako sa higaan ko sabay hawak sa mukha ko, ilang minuto rin akong nagisip-isip nang biglang may kumatok sa pintuan ko

Tinungo ko ang pintuan saka ko ito binuksan, bumungad sa akin si Carly

"Gusto mo bang pumunta sa cafeteria? Kain na tayo ng gabihan natin, nasalubong ako ni Yin kanina sa baba sabi niya pag nadaanan daw kita sabihin ko na sabay sabay na tayong kumain" Pagpaliwanag sa akin ni Carly

Pinagiisipan ko pang mabuti kung sasama ako, kasi pagod ako pero nakakahiya naman kay Carly, siya pa nagtawag sa akin

"Oo sige, mauna ka na susunod nalang ako" Yun nalang ang nasabi ko sa kaniya at umalis na siya

Huminga ako ng malalim at nagbihis ng damit ko, tumagal din ako ng limang minuto bago ako lumabas sa kwarto ko

Paglabas ko ay bigla nalang nagpapatay sindi ang mga ilaw, inisip ko nalang na baka nahshort circuit lang ang kuryente kaya nagkakaganyan

Patuloy ang paglalakad ko nang biglang may naririnig ako na naguusap at naglalakad, papalapit na sila dito, kaya nilibot ko ang paningin ko, naghanap ako nang mapagtataguan

Buti nalang at perfect timing na nakahanap agad ako ng isang locker, pumasok ako doon atsaka sinara ko, tumahimik lang ako hanggang makita ko na dumadaan na ang mga yun

Nanlaki ang mata ko nang makita kong dalawa ang nakasuot ng maskara at nakadamit ulit sila ng itim, dalawa sila kinabahan pa ako lalo ng biglang tumigil sila sa tapat ng locker na pinagtaguan ko

May pinaguusapan sila kaya nakinig ako nang mabuti , tiyak ito nanaman ang mga killer, may bago silang pinaplano sabi ko sa isip ko

"Ano ka ba, pag pinatay natin siya masisira na agad ang plano natin" Sabi nung Killer 1

"Nabalitaan ko wala ang principal, kaya magagawa natin silang pataying lahat" Sabi naman ni Killer 2

"Oh talaga? Perfect na perfect talaga ang pag-alis ni principal" Sabi ulit ni Killer 1

"Matutulungan talaga kitang makaligtas dito, lalo na't nakilala mo ako, matutulungan talaga kita, papatayin natin silang lahat" Sabi ni Killer 2

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon