41- Game 7(Extension)

1K 200 2
                                    

   [Jeirahlyn's POV] 

"Tae,hindi ko ine-expect na naloko lang pala tayo nang Bon na ito?!" Pagalit na sinabi ko, nakita ko naman si Jeane isang sulok na sobra ang panginginig dahil sa takot nito. Agad ko siyang nilapitan para kausapin, hindi ko muna pinansin ang pag-uusap nila Bon at Sakura sa harapan



"Oy ano? Paano ba tayo makakalabas dito? Ayaw ko ding mamatay nang maaga" Sabi ko sa kanya na may halong kaba



"Hindi ko rin alam, sa tingin ko oras ko na din, kailangan ko nang sumuko, harapin na natin ang katotohanan Jeirah" Sabi nito sa akin at ipinatong ang umiiyak niyang mukha sa balikat ko, niyakap ko nalang siya nang mahigpit. Ilang saglit lang ay may biglang sumisigaw sa likuran namin, pagkatingin ko sila Lindy! At kinakatok pa nila ang babasaging salamin



Tae naman oh! Sabi ko sa isip ko, kung alam ko lang na may daanan pala diyan dapat kanina ko na binasag ang bintanang yan, agad naman akong lumapit sa kanila at binasag bigla ang bintana. Kinalabit ko si Jeane at para bang bigla siyang nabuhayan dahil sa nakita niyang may mangliligtas sa amin



Dahan dahan kaming umakyat sa may bintana at inabot ang kamay nila Lindy para makatakas na kami sa mainit na lugar na ito, buti nalang at nakaalis na kami kundi naging litson na kaming dalawa. Laking pasasalamat ko kay Lindy, kasama niya din si Rain at Christian



"Tignan mo ang mga kaibigan mo?! Naluto na sila? At ano? Diba wala kang nagawa para iligtas sila? Hahaha! Ang hina mo pa pala Sakura" Narinig naming pagsigaw ni Bon kay Sakura, ang akala siguro ni Bon ay patay na kami pero nagkakamali siya. Akala niya patay na kami dahil di na niya makita ang nasa loob ng kwarto dahil balot na balot na ito sa makapal na usok kaya nagpasya nalang kaming umalis sa lugar na iyon at balak naming tulungan si Sakura



Habang naglalakad kami, bigla ding naming nasalubong sila Nicole, Charlyn at Kheo. Agad naman kaming sinalubong nang mahigpit na yakap nila Nicole at Charlyn



"Natakot talaga ako, kanina pa namin kayo hinahanap akala namin may nangyari nang masama sa inyo" Sabi ni Charlyn sa amin at niyakap ulit ni Jeane si Charlyn nang mahigpit saka ito lumuha



"Akala ko talaga katapusan na namin kanina, agad kaming naniwala sa kanya kaya nahulog kami sa patibong niya, buti nalang at nandun sila Lindy" Sabi ni Jeane habang patuloy parin ang pagluha



" Oh bakit? Ano bang nangyari? Atsaka, patibong? Anong patibong?" Naguguluhang tanong ni Charlyn sa amin



" Si Bon, isa siya sa mga pumapatay at andun siya kinakalaban si Sakura" Pagsingit ko nalang bigla



"Sabi na nga ba eh, halata nang si Bon ang isang yun!" Sagot naman ni Kheo habang nilapag ang hawak na gnome sa sahig



"O siya, tara na at tulungan natin si Sakura" Sabi naman ni Nicole at agad kaming nagmadali papunta sa lugar kung nasaan sina Sakura at Bon, nang makarating na kami ay naghanap agad kami nang matataguan at may nakita kaming bushes na malapit at agad kaming umupo doon at sinisilip kung ano ang mga pangyayari



"Teka, asan na yung mga iba nating kaklase? Sina ate Carly? Kuya Yin?" Tanong ko naman bigla sa kanila



" Sa pagkakaalam namin, tinulungan nila ate Carly at kuya Yin yung mga iba nating kaklase para sa kaligtasan nila. Pero baka mamaya lang din ay nandirito narin ang mga yun" Sagot naman ni Charlyn at patuloy na kami sa pakikinig kung anong pinaguusapan nila Sakura at Bon



"Hoy babae ka! Huwag na huwag mo akong pagtataasan nang boses, wala kang magagawa dahil gusto kong pumatay" Sabi ni Bon kay Sakura "Total huling araw na natin ngayon dito, bakit hindi ko pa susulitin ang pag patay?! Para naman konti nalang tayong bumalik sa school at kung makakaligtas ka sa akin" Dagdag pa nito at nagpakawala nang nakakalokong tawa



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon