48- Miasma

719 149 2
                                    

[Sakura's POV]



Nagising ako sabay tingin kung anong oras na "7:12 na ng umaga" Mahinang sabi ko sa sarili ko, agad akong tumungo sa pintuan at laking gulat ko nang pagkabukas ko nakita ko ang mga nakabulagtang katawan ng mga kaklase ko, wala nang humihinga sa kanila, lahat sila patay na




Tila nanginginig ang mga tuhod ko na lumuhod sa harap ng kanilang mga bangkay "Bakit ba nangyayari 'to?!" Halos napasabunot na ako sa aking sarili



Umiiyak ako habang patuloy lang silang pinagmamasdan, lumapit ako sa nakadapang katawan ni Carly akmang hahaplusin ko sana ang ulo nito ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko na para bang pipigilan niya ako, laking gulat ko nung umikot ang kanyang ulo mula sa kanyang katawan



Nakita ko ang mukha niyang sobrang putla, namumula ang kanyang mga mata at parang galit na galit na nakatingin sa akin, walang umanoy bigla na lang siyang lumuha ng napakaraming dugo hanggang sa isa-isang nagsibangon ang mga kasamahan kong kanina ay nakahilata



Lahat sila may hawak na baril at nakatutok ito sa akin, gumapang ako hanggang sa sulok ng aking silid hanggang sa wala na akong mapagtataguan, unti-unti ko silang nilingon at makikita mo parin sa mga mukha nila ang sobrang galit, puno ng poot at kasamaan



Habang papalapit sila sa akin ay wala na akong ibang nagawa kundi isara ang aking mga mata at takpan ang aking mga tainga "Hindi ito totoo" Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko hanggang sa imulat kong muli ang akin mga mata



Nakita kong nakatayo si Carly sa harapan ko hanggang sa bigla niyang tinanggal ang kanyang mga mata pati narin ang kanyang dila at sumigaw ito ng napakalakas, nakakabinging matinis na sigaw na halos mabasag na ang ear drums ko



"Walang maliligtas" Malamig na pagkasabi ni Nicole na ikinagulat kong katabi ko na pala at duguan ang kanyang mukha, humaba ang dila nito at pumasok ang mga iyon sa loob ng aking tainga



"Ahhhh!!" Pagsigaw ko hanggang sa nagising ako sa katotohanan, pawis na pawis ako at naghahabol ng hininga "Binabangungot ka buti at nagising na kita" Nakita kong hawak hawak ni Carly ang dalawang braso ko sabay yakap sa akin



"Akala ko totoong wala na kayo" Lumuluha kong sabi sa kanya "Shhh.. Tahan na, walang masamang nangyari sa amin, pagkagising ko kasi kanina naririnig kita dito sa loob ng kwarto mo na para kang may kausap. Buti nalang at pumasok ako at agad kitang nagising" Paliwanag naman nito sa akin



"Maraming salamat pala" Pagpapasalamat ko sa kanya at sinuklian naman ako ng matamis na ngiti "Labas na tayo at hinihintay na rin tayo ng mga kasama natin" Pagyayaya niya sa akin, tumango nalang ako bilang pag sang-ayon



Habang naglalakad kami ni Carly ay nasalubong namin si Yin "Oh Yin, bakit mag-isa ka lang? Asan yung mga iba?" Takang tanong ni Carly



"Uhm, papunta na rin ako sa cafeteria niyan dun din ba kayo didiretso? Andun na kasi silang lahat, ang mabuti pa'y sumabay narin ako sa inyo kasi sigurado ako na kumakain na ang mga yun" Sagot naman ni Yin, nagtataka lang ako sa itsura niya ngayon bakit parang namamaga ata ang mga mata niya? Umiyak ba siya? Gusto ko sana siyang tanungin ngunit winalang bahala ko nalang, baka may problema siya na hindi niya kayang sabihin sa amin



"Good Morning guys!" Masiglang bati ni Kheo ang sumalubong sa amin nang makapasok kami sa loob ng cafeteria



"Mga bes, sakto lang ang pagkarating ninyo nagluto ako ng fried rice at marami pang ibang ulam diyan. Tara na at kumain na tayo" Masiglang pagyaya rin ni Yeka habang hawak hawak ang malaking pinggan na may laman na fried rice



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon